Basketbolan sa kalye sagabal sa trapik

Tinatawagan ko po ng pansin ang barangay chairman sa Bgy. 491 sa Dimasalang St., Sampaloc, Manila na nag-ngangalang Bong Reyes dahil ginagawang basketball court ang kalsada na nagiging dahilan ng trapik sa lugar.

Pagkatapos na ayusin at sementuhan ang kalsada ay tinayuan ng basketball court. Paano naman masosolb ang traffic problem kung pati ang kalye ay ginagawang basketbolan.

Sana ay hindi ito pinapayagan ng barangay chairman. Parang lumalabas na kinukunsinti niya ang pagpapagawa ng basketbolan. Sana naman kumilos siya para ipaalis ang basketbolan sa Dimasalang St. malapit lamang sa barangay hall.

Salamat po sa PM. —MANUEL M. SANTOS, Maria Clara St. Sampaloc, Manila

Show comments