Carabao Man (122)

“OO. Naging magkarelasyon kami ni JP sa panahong hinahanap ko ang aking sarili. Nangyari iyon habang magkarelasyon sila ni Maryanne o Rat-Woman. At nagsisisi ako kung bakit nangyari iyon. Hindi dapat. Masyado akong nagpata-ngay sa sarili noon. Pinagsisihan ko iyon,” sabi ni Boy George sa mababang boses.

Nakatingin lang si Sue kay Boy George. Humahanga si Sue dahil sa pag-amin. Nakikita ni Sue na wagas ang loob ni Boy George. Nagkamali sa ginawa at nagsisisi.

“Nangako ako sa aking sarili na tama na ang isang pagkakamali. Gusto kong maituwid ang lahat. Kaya kong gawin iyon.’’

“Humahanga ako sa’yo Boy George.’’

“Salamat, Sue.’’

“Kaya naman talagang magbago ng isang tao kung gugustuhin niya.’’

“At alam mo Sue, lalo lamang ako nagkaroon ng inspirasyon nang makita ka.’’

“Ano yan, biro o totoo na?’’

“Totoo.’’

Hindi makasagot si Sue.

“Maniwala ka Sue.’’

Huminga nang malalim si Sue. Wala pa rin siyang masabi. Sa totoo lang, nagulat siya. Hindi niya akalain na hahantong sa ganito.

“Para ka maniwala, halika, labas tayo Sue.’’

“Saan?’’

“Magdate tayo. Kakain tayo sa labas.’’

Lalo nang napipi si Sue. Totoo na nga yata ito.

(Itutuloy)

Show comments