Apoy puwede nang apulain gamit ang tunog

DALAWANG engineering student sa Amerika ang nakaimbento ng isang bagong klase ng fire extinguisher.

Sa unang tingin ay mukhang pangkaraniwang fire extinguisher lang ang nilikha nina Viet Tran at Seth Robertson ngunit makikita ang pinagkaiba nito kapag ito’y ginamit na sa pag-apula ng apoy.

Sa halip kasi na kemikal na foam ay pulos tunog ang nanggagaling mula fire extinguisher na naimbento ng dalawang estudyante mula George Mason University.

Sa simula ay sinubukan ni Tran at Robertson ang paggamit ng matitinis na tunog sa kanilang ginagawang fire extinguisher ngunit hindi ito naging epektibo sa pag-apula ng apoy. Natuklasan nilang ang mabababang tunog katulad ng maririnig mula sa mga kantang hip-hop ang nakakapag-apula ng apoy.

Pinili nina Tran at Robertson na gamitin ang tunog sa pag-apula ng apoy dahil hindi ito nag-iiwan ng kalat na kemikal katulad ng mga pangkaraniwang fire extinguishers.

Noong una ay inakala ng dalawa na hindi uubra ang kanilang ideya at inasahan pa nga nilang babagsak sila sa kanilang klase dahil sa proyekto ngunit naging matagumpay ang kanilang imbensyon at ngayon ay tinutulungan pa sila ng kanilang unibersidad sa pagkuha ng patent para dito.

Show comments