^

Punto Mo

‘Media, Bang... Bang... Bang!

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SUMASANG-AYON AKO na kapag ikaw ay journalist ang isang paa mo ay nasa hukay. Handa kang ibigay ang buhay mo para sa adbokasiyang iyong ipinaglalaban.

May ilan na din namang journalist na nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang mga expose at pagsisiwalat ng mga katiwalian.

Sinabi ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte na ang mga mamamahayag na tumatanggap ng suhol at kaanib sa ibang gawaing korap ay dapat mamatay.

Hindi daw dahil ikaw ay isang journalist ay malilibre na sila sa ‘assassination’.

“Most of those killed, to be frank, have done something. You won’t be killed if you don’t do anything wrong,” ayon kay Digong.

Para magsalita ng isang ‘sweeping statement’ na lahat ng journalist na napapatay ay korap ay medyo masakit ito pakinggan para sa amin.

Sa sinabing ito ni Digong maraming mamamahayag ang umalma. Karamihan sa mga napatay ay may isiniwalat na katiwalian laban sa mga politiko o ilang korapsyon sa bansa.

Para bang mas lalakas ang loob ng mga taong nasa sindikato o mga tiwaling politiko na kapag may narinig sila sa radyo, nabasa sa dyaryo na laban sa kanila pwede na silang patayin. Bibigyan ba ni Digong ng atensyon kung sakaling maging biktima ang journalist ang mapatay?

Agad na nagbigay ng pahayag ang National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) tungkol dito. Para bang balewala lahat ng pagkamatay ng mga mamamahayag kapag inisip na ang lahat ng napatay ay korap.

“It is appalling that President-elect Rodrigo Duterte should justify the murder of journalists in the country by playing the corruption card,” pahayag ng NUJP.

Maaaring isa sa dahilan sa pagkakapatay sa ilang mamamahayag ang korapsyon ngunit ibang usapin kung ito ay gagamitin bilang pagbibigay katarungan sa pagpatay.

Ang National Press Club (NPC) naman ay sinabing hindi patas ang obserbasyong ito ni Digong lalo na sa ilang mga napatay na mamamahayag tulad nina Gerry Ortega at ilang biktima ng Ampatuan Massacre.

Totoong may mga korap na journalist pero mas marami pa din ang nagmamalasakit sa bansa at gustong ihayag ang mga maling sistema ng mga politiko at ilan pang nasa posisyon.

Pinapatawan niya na ng presyo ang mga ulo ng mga ‘drug traffickers’ at kung sino ang makakapatay ay makakatanggap ng reward.

Ang tanong dito ang administrasyon ba ni Digong ay parang kultura ng patayan? Tatlong milyon ang nakalaan na ibabayad sa ‘law enforcer’ na makakapatay sa mga drug lords at mas mababang halaga para sa mabababang ranggo sa sindikato ng droga.

Simulan na daw ngayon ang pagpatay sa mga kriminal at huwag ng hintayin  ang kanyang pag-upo sa Hunyo 30.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with