^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat balasahin ang BuCor

Pang-masa

MASYADONG kontrobersiyal ang Bureau of Correction (BuCor). Sa kabila na sunud-sunod ang ginagawa nilang pagsalakay sa mga dormitoryo at mga kubol sa New Bilibid Prison (NBP) marami pa ring kontrabando (karaniwang illegal drugs) ang nakukuha. At nagbigay na ng babala si President-elect Rodrigo Duterte na isa mga kagawaran na kanyang ire-revamp ay ang BuCor. Nakalinya rin sa kanyang babalasahin ay National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA). Mula sa taas, pababa ang gagawin niyang pag-revamp.

Unahin ang pagbalasa sa BuCor dahil matagal nang may nangyayaring kababalaghan sa NBP. Inutil ang mga nasa BuCor sapagkat sa kabila na nagkaroon na ng 34 na pagsalakay at paggalugad sa mga selda at kubol ng inmates, hindi maubus-ubos ang mga kontrabando. Parang balon na bumubukal ang tubig. Imagine, inumpisahan ng BuCor ang paggalugad sa mga dormitoryo at kubol noon pang Nobyembre 2015 subalit hanggang ngayon, marami pang nakukumpiska.

Laging nakasasamsam ng shabu, baril, pera, patalim, cell phone at iba’t ibang gadgets. Nakakumpiska rin ng alak, US dollars, money counting machine, sex toys at marami pang iba.

Walang saysay ang paggalugad sapagkat maaaring naititimbre na sa mga inmates ang pagsalakay kaya naitatago sa suwelo at iba pang taguan ang mga kontrabando. Babala ni Duterte sa mga corrupt na jailguard, mag-empake na ang mga ito sapagkat ipadadala niya sa Iwahig Davao Penal Colony. Ang ilalagay daw niyang guwardiya ay mga sundalo.

Tama lang na sundalo ang ilagay bilang jailguard sa NBP. Hindi masusuhulan ang mga ito at tiyak na walang makapagpapasok ng anumang illegal sa loob. Putulin ang korapsiyon sa Bilibid dahil sa pagkainutil ng BuCor.

DOH

GHW

GRAPHIC HEALTH WARNINGS

LIGAYA MONEVA

SMOKING

WHO

WORLD TOBACCO DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with