NANGANGANIB na masibak sa kanilang mga puwesto ang mga bataan ni retired Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano matapos ang election period sa June 8. Kasi nga mga kosa, itong mga bataan ni Albano ang pinaghihinalaan ng mga tropa ni Calabarzon police OIC Chief Supt. Ronald Santos na nasa likod ng mga birada sa kanilang “tong collection” sa diyaryo. Nagtataka kasi itong tropa ni Santos kung bakit detalyado ang mga lumalabas sa diyaryo ukol sa tong collection ng tropa ni Tanauan poblacion Bgy. Chairman Michael “Mike” Biscocho at ang may datus lang nito ay ang mga bataan ni Albano. Dati-rati kasi, ang mga bataan ni Albano ay may weekly allowance galing sa bagman na si Sr. Supt. Tony Yarra, ang comptroller ng Calabarzon police. Subalit nang mag-retiro si Albano nitong Abril, tinanggal na ni Yarra ang mga allowance ng mga bataan ni Albano at sabay naman na naglabasan ang payola sa sugal-lupa ng Calabarzon police kaya’t hayun sa kanila nabaling ang suspetsa na sila ang nasa likod nito. Punyeta! Puwede ba magtanong-tanong muna kayo d’yan sa Calabarzon police at nadadamay ang mga inosenteng tao na trabaho lang ang nasa isip at hindi pitsa? Tumpak!
Ayon sa mga kosa ko, nakasentro ang suspetsa ng mga tropa ni Santos dito kina Supt. Dionisio Bartolome, ang chief ng regional intelligence division (RID) at Supt. Eleazar Mata, ang chief ng regional operations and plans division (ROPD) na bitbit ni Albano galing sa Quezon City Police District (QCPD). Hindi naman masibak kaagad ni Santos itong sina Bartolome at Mata dahil hindi ito saklaw ng mandato n’ya bilang OIC at bunga sa election period pa. Subalit pagkatapos ng election period sa June 8, hindi natin batid kung anong gimik ang gagawin nitong tropa ni Santos para masibak sa puwesto itong sina Bartolome at Mata, di ba mga kosa. Kung sabagay, baka malasin din itong si Santos dahil sa pag-upo ni Pres.-elect Rodrigo Duterte sa Hulyo t’yak kakatok din sa pintuan n’ya ang kaklase n’ya na si Chief Supt. Nestor Quinsay, di ba mga kosa? Punyeta! Puwede ba wala ng sulutan sa puwesto? Pangalawa na ‘to para kay Santos pag nagkataon dahil naiputan din s’ya sa Central Luzon police noon.
Sinabi naman ng mga kosa ko sa Calabarzon na mukhang tumagilid ang barko ni Biscocho at naisahan s’ya ng retiradong pulis na si alyas Sgt. Tapic. Sa ngayon kasi, mainit na nagsagawa ng shame campaign itong si Tanauan Mayor Tony Halili laban sa mga drug pushers at iba pang criminal. Hindi nalalayo na maisama itong si Biscocho sa shame campaign ni Halili kapag hindi n’ya itinigil ang tong collection n’ya dahil ilegal din ito, di ba mga kosa? Kapag hindi huminto itong si Biscocho, lalabas din na kinakalong ni Mayor Halili ang masamang gawain ng una at mapahiya s’ya. Hehehe! Get’s n’yo mga kosa?
Humahangos naman na nagreport ang mga kosa ko na ang lahat ng nakolektang tong sa sugal lupa sa ngayon sa Calabaron ay dumadaan kay Sgt. Tapic. Tama ba ako Col’s. Bartolome at Mata Sir’s? Maliban sa over-all tong collector ni Santos, itong si Tapic din ang kumokolekta sa mga sugal lupa sa Laguna, SPO4 Paquito Chan sa Cavite, SPO2 Tony Villacorta sa Rizal, Willy Maligaya sa Batangas at alyas Erning na taga Cuenca sa Quezon. Umaabot din mahigit sa P1 milyon ang weekly collection ng tropa ni Tapic, anang mga kosa ko. Maliban pa ‘yan sa jueteng na direkta! Hehehe! Itong mga tong collector na mga pulis ay t’yak aabutin din ng malas sa pag-upo ni Duterte sa Hulyo at isama natin sila sa listahan ng rogue cops ni PNP chief-in waiting Chief Supt. Ronald “Bato” de la Rosa. Kaya ang payo ko sa mga tong collector na pulis, kasama dyan si SPO4 Roberto “Obet” Chua ng CIDG Manila, na magpakundisyon o mag jogging na sila. Kasi nga kung buong tapang sila kung mangulimbat ng pera ng mga operator ng sugal-lupa, dapat ganun din sila katapang kapag sumabak sila laban sa Abu Sayyaf kapag natuloy ang balak ni Duterte na i-deploy sila sa Basilan at Sulo. O di kaya’y para din mabilis silang tumakbo kapag nakasalubong nila ang Abu Sayyaf. Hahaha! Abangan!