Ang pasyente sa mental

SINA John at Alex ay parehong pasyente sa Mental Hospital. Isang umagang naglalakad sila sa paligid ng ospital, napadaan sila sa swimming pool ng ospital. Kaagad nag-dive sa pool si John. Nag-alala si Alex nang hindi na lumutang ang kaibigan kaya nagpasya siyang lumusong sa pool. Totoo ang kanyang hinala na nalunod si John kaya dali-dali niya itong iniahon.

Pinuri ng mga doctor si Alex at nagkaisa ang kanilang diagnosis na magaling na ito. ‘Yung ginawa niyang pagliligtas sa nalulunod na kaibigan ang nagpatunay na matino na ang kanyang pag-iisip. Pagkaraan ng ilang araw ay kinausap siya ng hospital director:

“Congratulations Alex, magaling ka na at puwede ka nang lumabas ng ospital! Kaya lang may bad news ako sa iyo. Namatay na ang iyong kaibigan na si John. Natagpuan siyang nagbigti sa ilalim ng punong mangga.”

“He-he-he…hindi siya nagbigti. Isinabit ko siya sa puno para matuyo. Di ba, sobra siyang nabasa sa swimming pool? He-he-he…”

Image source: vertortoons.com

Show comments