^

Punto Mo

EDITORYAL – Sana, pinagbigyan ang SSS pensioners

Pang-masa

KUNG tutuusin, napakaliit ng P2,000 na increase sa tinatanggap na pensiyon ng 2.15 milyong pensiyonado ng Social Security Systems (SSS) kung ikukumpara sa milyones na suweldo ng mga opisyal ng SSS. Pero hindi pinakinggan ni P-Noy ang kahi-lingan ng pensioners. Hindi niya inaprubahan noong Huwebes ang House Bill 5842 na naglalayong dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap na pensiyon.

Katwiran ng Presidente, magdudulot ito ng pagkalugi sa SSS. Kapag daw pinayagan ang increase na P2,000 ang total payout ay aabot ng P56 billion sa loob ng isang taon samantalang ang annual investment income lamang ng SSS ay P30-40 bilyon. Kapag binayaran ang pensioners magkakaroon ng deficit na P16 billion hanggang P26 billion. Mauubos aniya ang pondo ng SSS at aabot na lamang hanggang 2029.

Noong Biyernes, lumusob sa SSS headquarters sa East Avenue, Quezon City ang mga pensiyonadong na kinabibilangan ng mga seniors. Hiniling nila ang dagdag na P2,000. Bakit daw sila ang pinagkakaitan gayung nagsilbi naman sila nang maraming taon? Bakit daw nabibigyan nang malalaking bonus ang mga opisyal ng SSS samantalang sila ay kapiranggot lang ang hinihinging dagdag pero ipinagdamot.

Halos kasabay ng rally sa SSS Main Office, nag-rally din sa Mendiola ang SSS pensioners  at pinagbabato ng itlog ang malaking larawan ni P-Noy. Ibinulalas nila ang kawalan umano ng puso at damdamin ng Presidente sa kalagayan nila. Karagdagang P2,000 lamang ay hindi pa maipagkaloob para maipambili nila ng gamot. Sabi pa ng pensioners, hindi nila iboboto ang manok ni P-Noy na si Mar Roxas.

Hindi masisisi ang pensioners kung magalit sa Presidente. Maliit lamang naman ang kanilang hinihingi pero hindi pa ipinagkaloob. Ang pinakamababang SSS pension na natatanggap sa kasalukuyan ay P1,200. Ano pa ang mabibili nito sa ngayon?

Habang pinagdadamutan ang pensioners, tuloy naman ang pagkakaloob ng conditional cash transfer sa mga mahihirap. Kung kayang bigyan ang mga nakasahod lamang ang kamay, bakit hindi ang pensioners na pinaghirapan ang pag-iimpok sa SSS. Nasaan ang damdamin ng Presidente?

ANG

BAKIT

EAST AVENUE

HINDI

HOUSE BILL

KAPAG

MAIN OFFICE

MAR ROXAS

NOONG BIYERNES

P-NOY

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with