^

Punto Mo

Tigasing tricycle drivers sa Altura St., Sta. Mesa, itinaboy!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Kahit saang sulok ng Pasay City ay laganap ang sugal at siyempre nakatutok ang paningin nang mga residente sa hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Joel Doria. Subalit matalino pa sa matsing itong si Doria dahil malayo ang bulsa niya sa pitsa na galing sa mga pasugalan. Sinabi ng mga kosa ko sa Pasay, na bago dumapo ang weekly tong ng mga pasugalan sa palad ni Doria, dumadaan muna ito sa isang Maj. Narag, ang hepe ng SOU. O di ba mautak si Doria? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ang mga nagre-remit naman kay Narag ay itong sina Sarhento Ordiales at Advincula. Ang kinokolektahan naman ng weekly tong nina Ordiales at Advincula ay itong sina Roderick na taga-Tramo at may hawak ng bangka sa larong lotteng, EZ2, PBA ending, pick-4 at Suertes; ni Bong Jose na nasa likod ng larong jueteng; at Nestor Barurut na may hawak naman ng lumala­king bookies ng karera ng kabayo. Ang lingguhang payola pala sa mga presinto ay lagom din at siyempre si Ordiales ang may papel na ipamudmod ang pitsa sa presinto, ayon kay kosang Mang Danny.

* * *

Plano ko na ibulgar ang larong hide and seek ng mga pulis sa presinto sa ilalim ng overpass sa Altura St., sa Sta. Mesa, Manila, na ilang layo lang sa bahay ni Mayor Erap Estrada at ang mga matitigas ang ulo na tricycle drivers doon. Kaya hide and seek, kasi nga napuna ng mga kosa ko nitong nagdaang linggo na kapag walang pulis na nagbabantay sa kanila, ang mga tigasing tricycle drivers ay parang mga daga na nandon na naman nagkalat sa Magsaysay Blvd. at naging sanhi ng trapik. Subalit kapag may pulis na pilit ipinapatupad ang babala nila na bawal para sa tricycle drivers na kumaliwa at mag-pick-up ng pasahero sa Magsaysay Blvd., aba nandon ang mga tigasing tricycle drivers naka-park o nakapila sa gilid ng Altura St., sa harap ng bakery sa gilid naman ng presinto. Subalit laking gulat ko nang pauwi na ako matapos ihatid sa eskuwela ang anak ko na si Clarise kahapon ng makita ko na malinis ang harap ng bakery at ang naiwan na naka-park doon ay ang motorsiklo ng pulis sa presinto. Nawala ang mga tigasing tricycle drivers at wala ding nagkalat na tricycle sa gitna ng Altura St. Parang nanaginip ako kaya’t ilang ulit akong kumurap subalit tumambad sa akin ang katotohanan na wala na talaga ang mga tigasing tricycle drivers sa inangkin nilang puwesto ng kalsada. Siyempre ang natuwa sa sitwasyon ay ang mga residente sa kalye ng Altura, Buenos Aires, Vigan, Pelaez, West Vigan, Domingo Santiago at kalapit na lugar dahil maluwag na ang dadaanan nila at wala nang sagabal sa kalye. Punyeta! May bayag pala ang hepe ng pulis sa presinto sa Altura overpass ah, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang kasi, kapag patuloy na ukopahin ng mga tigasing tricycle drivers ang harap ng bakery sa Altura St., ang mangyayari ay maging apat na ang pila ng tricycle sa lugar. Mayroon na kasing dalawang pila ng tricycle sa Altura ang isa ay sa sakop ni Chairman Danilo Espino ng Bgy. 581, ang isa naman ay sa hurisdiksiyon naman ni Chairwoman Lourdes Lantican. Matatagpuan ang dalawang pilahan ng tricycle sa likod mismo ng presinto. Maliban pa ‘yan sa pila sa Buenos Aires na saklaw din ni Lantican. Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko na residente doon, bakit nagpipilit ang mga tigasing tricycle drivers sa harap ng bakery eh sanhi sila ng trapik doon. Dati-rati kapag me nagkasalubong na mga sasakyan sa panig na ‘yon ng Altura St., eh maluwag ang daloy ng trapiko subalit nang mamugad ang mga tigasing tricycle doon, halos hindi na makagalaw ang mga sasakyan. Dagdagan pa ‘yan ng iba pang tricycle na sa gitna ng Altura St., nagbababa nang pasahero. Presto…sobrang trapik sa lugar. Punyeta! Kapag labasan ng estudyante sa kalapit na Burgos Elem. School, nakupoooo…kahit sinong henyo pa ay hindi kayang mai-drowing ang sitwasyon sa kanto ng Altura St., at Buenos Aires St. Get’s nyo mga kosa? Itong pagtataboy kaya ng tigasing tricycle drivers ang unang hakbangin para tumino ang trapik, hindi lang sa Altura St., kundi maging sa Magsaysay Blvd.? Maaga pa para palakpakan natin ang mga pulis sa presinto sa ilalim ng Altura overpass. Gayunpaman, Mabuhay kayo na mga pulis d’yan! Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ALTURA

ALTURA ST.

ANG

BUENOS AIRES

DRIVERS

MAGSAYSAY BLVD

MGA

PRESINTO

SUBALIT

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with