Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat.
Nais ko po sanang sa unang araw ng bagong taon, ay batiin ko kayo ng Masagana at Mapayapang New Year.
Sana po ay muli namin kayong makasama sa panibagong taon.
Nakakalungkot na sa kabila ng maraming mga babala ng mga kinauukulan tungkol sa mga mapanganib na paputok at mga walang pakundangang pagpapa-putok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon marami pa rin ang mga naging pasaway, kaya ang resulta hindi naging kagandahan ang pagpasok sa kanila ng New Year.
Habang sinusulat ko ang kolum na ito, aba’y umabot na sa mahigit isangdaan ang nasugatan sa mga firecrackers related incident, bukod pa sa naitalang nasawi sanhi ng ligaw na bala.
Gayunman, sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon na ito ay dapat na ipagpasalamat,
Ngayong natapos na ang holiday season ang nalalapitnang pambansang halalan ang hinihintay na dito kailangan din ang todong pagbabantay.
Kung may mga pasaway na nasumpungan ngayong holiday season, naku asahang marami rin nya sa nalalapit na halalan na yan din ang ating tututukan.