^

Punto Mo

Ang Bobo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PROBLEMA ng kanyang mga guro sa isang school sa London si Victor Serebriakoff noong 15-anyos siya. Tanga, bobo, walang utak at kung anu-ano pang pangit na salita ang ikinakabit sa kanyang pagkatao ng mga gurong dapat ay magbigay ng pag-asa sa kanyang puso ngunit ang mga ito pa ang nangungunang nanlalait sa kawawang teen-ager. Ang mga gurong ito rin ang nagsabing huwag na siyang mag-aral at tumanga na lang habang panahon.

Sa loob ng 17 taon, ganoon nga ang ginawa sa buhay ni Victor, ang tumambay at maging dakilang “bum” sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ngunit isang araw ay niyaya siya ng isang kaibigan na kumuha ng I.Q. test na ibinibigay ng MENSA,  organization ng may mataas na I.Q.. Ang resulta? Ang nakuha niya ay 161, score ng GENIUS. Tinatanggap ng Mensa ang taong may score na 140 pataas. Genius pala siya pero sinayang niya ang kanyang buhay sa mahabang taon dahil pinaniwalaan niya ang sinabi ng kanyang mga guro.

Pagkatapos niyang nalaman na genius pala siya, bigla niyang binago ang kanyang buhay at pinanindigan ang pagiging genius. Nagtayo siya ng negosyong may kinalaman sa timber industry kaya marami siyang naiambag tungkol sa timber technology. Naging aktibo rin siya sa Mensa International  at Mensa Foundation for Gifted Children na matatagpuan ang opisina sa England. Bukod dito, marami rin siyang naisulat na puzzle books. May isinulat din siyang libro na may title na Brain.

Ang isang kamalasang mangyayari sa buhay ng isang bata ay magkaroon sila ng gurong mapanghusga. Biruin mo kung paano sisirain ng mga gurong ito ang buhay ng mga bata kung ang mga salitang maririnig mula sa kanilang bibig ay puro panlalait. Kaya hindi lang karagdagang taon ng pag-aaral ang solusyon sa isang maayos na edukasyon, kundi,  mabuting guro ang number one kailangan upang magsilbing inspirasyon sa mga bata.

A good teacher can inspire hope, ignite the imagination, and instill a love of learning. Brad Henry

ANG

BIRUIN

BRAD HENRY

BUKOD

DIYOS

GIFTED CHILDREN

KAYA

MENSA FOUNDATION

MENSA INTERNATIONAL

MGA

NAGTAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with