^

Punto Mo

Sa mga Inang masungit sa kanilang anak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA pagitan ng ama at ina, madalas ay ina ang mataray sa kanilang anak. Sila ‘yung mapanumbat, nagagalit agad kapag nakalimutang maghugas ng pinggan o nananampal kaagad kapag natuksong sumagot-sagot ang anak. Sa kabila ng kasu-ngitan, mas iibigin ng mga anak na ina ang mahuling tawagin ni Lord, kaysa ama. Kasi, ang kahinaan ng mga ama ay mas mabilis silang magdesisyong mag-asawa kapag nabiyudo. Ang mga ina, iniisip pa lang na may ibang lalaking makakatabi sa kama, ay diring-diri na.

Solong anak si Loisa kaya wala siyang choice kundi siya ang mag-alaga sa 80 anyos na inang biyuda. Mas mahal niya ang ama pero noong nauna itong namatay ay lihim siyang napanatag ang loob. Kung kanyang ina ang mauuna, nasisigurado niya na mag-aasawa kaagad ito dahil playboy. Kaya okey na sa kanya na kanyang ina  ang itinira ni Lord. At least 100 percent itong hindi  mag-aasawa. ‘Yun nga lang, wala siyang kawala sa kasungitan nito. Sapul pa sa pagkabata ay mataray na sa kanya ang ina. Walang kalambing-lambing sa anak. Laging nakaangil sa kanya lalo na kung hindi niya nagawa nang maayos ang gawaing bahay. Napaka-taratitat.

Hindi nakapag-asawa si Loisa. Naging abala na ito sa pagtuturo sa pampublikong paaralan at pag-aalaga sa ina na naging sakitin simula nang namatay ang kanyang ama. Sa sobrang stress sa trabaho, lalo na nang ma-promote bilang principal, unti-unti itong naging masasakitin. Idagdag pa rito ang pagiging demanding ng ina. At napakataray pa rin kay Loisa. Kung pagalitan ang anak ay parang 10 years old na tatanga-tanga, nang isang araw ay maling bedsheet ang nailagay sa higaan. Sa sobrang sama ng loob sa ina ay nakapagsalita si Loisa:

Inay bigyan mo na naman ako ng kaunting dignidad sa hu-ling pagkakataon. Singkuwenta’y anyos na ako pero lagi mo pa rin akong minumura. Huwag mong pasamain lagi ang aking kalooban dahil baka ako mamatay nang maaga. Malaki ang problema mo kapag ako ang mauunang mamatay sa iyo. Walang kamag-anak na tatagal sa iyo sa sobrang katarayan mo.

Dumaan ang ilang taon, nagkaroon ng breast cancer si Loisa. Namatay ito sa edad na 53. Nagkatotoo ang sinabi nito, nauna pa siyang namatay sa ina. Sa burol ng anak, walang tigil ito sa kaiiyak habang pinagbubulungan siya ng mga pamangkin:

“Diyos ko, kahit ako bayaran ng malaki, ayokong mag-alaga d’yan. Taray na taray. Ayokong gumaya kay Loisa na maagang namatay dahil ang madalas almusalin ay talak ng ina”

Ang huling balita sa ina ay propesyunal na caregiver ang nag-aalaga pero laging napapalitan, walang tumagal dahil sa kasungitan.

ACIRC

ANAK

ANG

AYOKONG

DIYOS

DUMAAN

HUWAG

INA

LOISA

LORD. AT

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with