DOH, nag-aaksaya ng pondo
MADALAS nating marinig sa gobyerno na kesyo walang sapat na pondo sa anumang mga proyekto na nais ng publiko.
Pero sa kabila ng sinasabing limitado ang pinagkukunan ng pondo ng gobyerno ay bakit tila mali pa ang pangangasiwa ng ilang ahensiya sa pera ng taumbayan.
Isa sa mga nag aksaya ng pondo ay ang Department of Health (DOH) na sana ay naibubuhos sa mga pa-ngangailangan ng mga mahihirap na may sakit.
Isa sa ating nasilip na pag aaksaya ng pondo ng DOH ay ang kanilang kampanya sa yellow form sa mga pasahero ng eroplano sa ating paliparan.
Ang yellow form ay nag-oobliga sa mga pasahero ng eroplano na sagutan ito upang may sapat na inpormasyon ang gobyerno sakaling may bitbit na sakit ang pasahero pagpasok sa bansa.
Mabuti ang ganitong hakbang ng gobyerno dahil makakatulong ito upang agad na makakilos ang gobyerno lalo na ang DOH sakaling may makapasok na nakakahawang sakit sa bansa.
Pero ang hindi magandang ginagawa ng DOH ay bakit kailangan pa nitong magpa advertise sa radyo samantlang hindi naman lahat ay sumasakay ng eroplano.
Sapat na ang mismong mga crew na eroplano ang magpa alala sa mga pasahero na sagutan ang yellow card at hindi naman sila makakalabas ng airport kung wala ang form.
Milyong piso sng ginastos ng DOH sa advertisement na ito na sana ay naibigay na lang ang budget sa mga nangangailangang pasyente na nakapila sa mga ospital ng gobyerno.
Isa pa sa pag aaksaya ng pondo ng DOH ay ang information campaign ng national nutrition council tungkol sa pagkain ng masustansiyang pagkain ng bawat Pilipino.
Alam na ng lahat ang mga masustansiyang pagkain para maging malusog pero ang problema naman nang marami ay ang pambili o salapi.
Bukod sa DOH ay nag-aksaya rin ng pondo ang DSWD sa mga pagkain na nasayang dahil sa hindi naibigay sa mga biktima ng kalamidad.
- Latest