Sir Juan (44)

NAMATAY muli ang ilaw. Natahimik ang lahat. Para bang walang humihinga sa pagkakataong iyon.

Nang magbukas ang ilaw, nasa stage na ang babaing sinasabing star ng mga kolehiyala.

Mangha si Gringo sapagkat ang babae ay kamukha ni Mahinhin. Pero kamukha rin ito ng babae na katatapos lang magperform na ang pangalan ay Kathy.

Maharot ang tugtog, Sa simula ay dahan-dahan lang ang pagsasayaw ng babae. Kapiranggot lang ang suot nito na tumatakip sa pagkababae. Kulay itim ang saplot ng babae.

Titig na titig si Gringo sa babae. Ito na nga ang babaing pinakukuhanan ni Nektar. Ito na nga si Mahinhin. Siya nga ang star ng mga kolehiyala. Pero bakit kamukha rin nito si Kathy?

Maya-maya pa, nagsi­mula nang tanggalin ng babae ang mga saplot. Hanggang sa talop na talop na ito. Lalong humarot ang music. Lumiyad-liyad ang babae. Magaslaw ang kilos.

Hanggang sa ibagsak  ang mga mga paa at hita sa dance floor. Lumagapak. Lapat na lapat.

Dali-daling kinunan ni Gringo ng picture. Klik! Klik! Bumukaka pa. Klik.

Hanggang sa matapos ang number ng babae.

Nagpasyang lumabas na si Gringo makaraang bayaran ang nakain at nai-nom. Binigyan ng tip ang waiter.

 

KINABUKASAN sa school, nagkita sila ni Nectar.

“Ano Gringo, nakunan mo ba si Mahinhin?’’

“Oo. Marami akong kuha.”

“Good!”

(Itutuloy)

Show comments