^

Punto Mo

Kuandinsky Bridge: Ang pinakamapanganib na tulay sa buong mundo!

- Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING mapa-nganib na tulay sa mundo pero wala nang hihigit pa sa Kuandinsky Bridge na nasa Trans-Baikal Region sa Russia. Ang tulay na ito umano ang pinakamapanganib na tulay sa buong mundo sapagkat munting pagkakamali ng sinumang nagdadaan dito ay mahuhulog sa nagyeyelong Vitim River.

Bihirang tao ang guma­gamit sa tulay sapagkat lubhang madulas ang mga lumang kahoy na nagsisilbing railway. Kapag nadulas ay tiyak na mahuhulog sa ilog.

May habang 570 meters ang tulay at may lapad na dalawang metro. Kasyahan lamang ang isang sasakyan. Walang harang ang mag-kabilang gilid ng tulay kaya kapag nagkamali ang drayber, swak sa nagyeyelong ilog. Kinakalawang na ang structure ng tulay sapagkat buong taon ay nababalutan ito ng yelo.

Sa kabila naman na mapanganib ang pagdaan sa tulay, marami pa ring drayber ang nangangahas tumawid na para bang isang challenge iyon sa kanila. Kapag nakalampas sa tulay ang drayber, nakapagmamalaki siya sapagkat natawid ang pinakamapanganib ng tulay sa mundo.

ACIRC

ANG

BIHIRANG

KAPAG

KASYAHAN

KINAKALAWANG

KUANDINSKY BRIDGE

TRANS-BAIKAL REGION

TULAY

VITIM RIVER

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with