‘Ber’ months crimes
‘BER’ months na. Panahon kung kailan tumataas ang iba’t ibang uring kriminalidad sa bansa.
Tumataas ang insidente ng mga patayan, nakawan, panghoholdap, panloloob sa mga establisimento, akyat-bahay, panggagahasa at iba pa.
Index crime at non-index crime ang katergorya ng Philippine National Police (PNP) dito. Nakapaloob dito ang mga krimen o kung tawagin ng mga alagad ng batas, crime against person at crime against property.
Patuloy na nagbibigay babala ang BITAG maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras.
Sa ganitong mga panahon kasi, mas aktibo at agresibo ang mga masasamang-loob at demonyo sa lupa. Ginagawang palaruan ang lansangan gamit ang kanilang mga estilo, taktika at estratehiya.
Walang pinipiling oras ang mga kriminal. Kapag nakakita ng oportunidad dala ng ma-tinding pagnanasang maisakatuparan ang kanilang kahayupan, ikakasa nila ang kanilang aktibidades.
Bagamat pinaiigting ng PNP ang kanilang kampanya kontra kriminalidad tuwing ‘ber’ months hindi ito garantiya na ligtas na ang publiko.
Kaya paulit-ulit na sinasabi ng BITAG laging maging praning lalo na kung kayo ay nasa labas, sa lansangan at sa mga pampublikong lugar.
Mas mabuti nang maging praning kaysa naman umuwing luhaan.
Mag-ingat, mag-ingat.
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital strea-ming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com
- Latest