FLASH Report: Hanggang sa ngayon, hindi pa din matantiya nitong si SPO4 Roberto “Obet” Chua kung pulis ba siya o gambling lord. Si Chua kasi at ang kasosyo na si Freddie Sy ang nasa likod ng naglilipanang racehorse bookies operation sa Maynila. Siyempre, nakatimbre itong bookies nina Chua at Sy sa lahat ng operating unit ng PNP, sa NBI, GAB, at DILG, kaya’t walang gusto humuli sa mga lagayan nila. Get’s mo DILG Sec. Mel Senen Sarmiento Sir? At dahil naka-assign siya sa field office Manila ng CIDG, medyo nakamenos sa lingguhang intelihensiya itong si Chua at kasosyong si Sy. Kaya tama lang ang puna ni CIDG chief Dir. Victor Deona na ang pagkakilala n’ya noon ng taga-CIDG ay mga “tulisan.” Imbes na public service, bulsa service ang pinagkaabalahan ni Chua, di ba mga kosa? Hindi naman nag-oopisina itong si Chua dahil palagi siyang nagbabantay ng pa-bookies n’ya. Dapat lang sigurong paimbestigahan ni Deona itong si Chua at itapon sa probinsya kapag napatunayan na nagdo-doble s’ya na gambling lord. Ang tanong naman natin dito ke Chua, “Ano ka ba talaga Sir, pulis o gambling lord? Sana pulis ang isasagot ni Chua!
* * *
Natatandaan pa ba n’yo mga kosa itong si David Tan na inimbestigahan ng Senado ukol sa rice smuggling? Mukhang di pa nga lumamig nang husto itong isyu tungkol sa rice smuggling at heto’t itong si David Tan ay inginunguso na naman sa usapin patungkol sa kuryente. Maliwanag pa sa sikat ng araw na bagyo ang padrino at maimpluwensiya itong si David Tan sa gobyerno ni Pres. Aquino at kung anu-anong isyu na lang ang sinasalihan nito. Siyempre, kung walang malakas na padrino itong si Tan, dapat namahinga na siya dahil ang halos lahat ng mata ng mga Pinoy ay nakatutuok sa kanya dahil sa rice smuggling isyu. Subalit nasa limelight pa itong si Tan kaya’t hindi nagtataka ang mga kosa ko kung paiimbestigahan na muli siya ng Senado. Punyeta! Malakas din ang apog nitong si David Tan, no mga kosa?
Maraming beses na ding naging topic ng iba’t-ibang diyaryo itong si Tan di lang tungkol sa rice smuggling kundi maging sa iba pang mga isyu. At sa ngayon itinutulak n’ya ng husto ang power bidding, na proyekto ni dating Energy Sec. Ikot Petilla na kumakandidatong Senador sa darating na May election. Ayon sa mga kosa ko, maraming kinasangkutang isyu kasi itong si David Tan, kasama na dito ang construction, installation at operation ng generation facilities nang subukan n’yang itayo sa Oriental Mindoro noong siya’y nangongontrata na magtatayo ng planta ng kuryente. Sinabi ng mga kosa ko na siya din ang may-ary ng The Power Group of Companies na sabit sa kamuntik na pagkaroon ng krisis sa kuryente sa Oriental Mindoro ng panahon na ‘yaon. Mabuti na lang at mabilis na kumilos itong si Rep. Rey Umali at naayos at naagapan n’ya ang sitwasyon kaya’t UMALIwanag na naman ang ilaw sa probinsiya. Punyeta! Totoo din kaya ang balita na tinangka ni David Tan na linlangin ang mga inutangan n’yang mga creditors ayon sa US Bankruptcy Law? Akala ko ba power advocate itong si Tan, eh kung itong track record n’ya ang gagawing basehan, dapat pa ba s’yang suportahan o seryosohin? Teka nga pala! Meron bang certification ang NGO na ginagamit ni Tan para sa krusada n’ya? Esep-esep muna mga kosa bago pagkatiwalaan ang taong ito na sumusulong sa isang panukala na siguradong makakaapekto sa mga consumer ng kuryente sa bansa. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Punyeta! Ito kayang David Tan na sangkot sa rice smuggling at sa isyu sa kuryente ay iisa? Abot n’yo naman mga kosa na maraming David Tan dito sa bansa natin, at karamihan sa kanila ay hindi tiwali tulad nitong tinutukoy natin. Kaya’t ang pipiyok na David Tan ay guilty, di ba mga kosa? Abangan!