“BA’T ka nagtawa, Nectar?’’ Tanong ni Mahinhin.
“Ah wala! May naisip lang akong nakakatawa. Hindi ikaw ang pinagtatawanan ko.’’
“Kasi’y parang natawa ka sa sinabi ko na malapit lang dito at nilalakad ang pinagtatrabahuhan ko.’’
“Ba’t naman kita pagtatawanan dahil dun.’’
Hindi na nagsalita pa si Mahinhin at baka humaba lamang ang usapan. Inayos na lamang niya ang mga damit. Tiniklop ang mga iyon at saka inilagay sa plastic basket.
Hanggang sa umalis na si Nectar.
Nang makalabas si Nectar ay nakahinga nang maluwag si Mahinhin. Nagtataka siya kay Nectar kung bakit inuurira nito ang trabaho niya. Nang sabihin niyang bookkeeper siya ay parang ayaw maniwala. At nagtawa pa nga nang sabihin niya na malapit lang dito ang pinagtatraba-huhan. Parang may itinatago sa likod ng ngiti.
Ang tanging kasalanan niya ay nang sabihing sa pabrika siya nagtatrabaho. Pero wala namang masama kung sakali at sinabi niya ang totoo ng pinagtatrabahuhan. Ah, bakit siya ma-mumroblema sa ginagawa ni Nectar sa kanya.
Tinapos niya ang pagtitiklop ng mga damit at saka nagtungo na siya sa kanyang room.
Maya-maya ay papasok na siya sa kanyang work.
Nang mag-alas singko ay naligo na si Mahinhin para pumasok sa trabaho. Bago mag-alas sais ay kailangang nasa trabaho na siya.
Kinse minutos bago ang alas sais ay umalis na siya.
Lingid sa kanya ay nakasubaybay si Nectar sa kanya. May binabalak na naman ito sa kanya.
Nakangisi si Nectar.
Susundan niya uli si Mahinhin!
(Itutuloy)