Mukhang lumalala ang isyu ng ‘tanim o laglag bala ‘sa mga paliparan na sa bansa.
Hindi lang ang mga balikbayan nating kababayan ang natatakot na magsiuwi dahil baka raw sila mabiktima ng mga ito, kundi apektado na rin ang turismo dahil nga takot din ang mga dayuhan na pumasok at lumabas ng bansa.
Kailangan na umano itong bigyan ng masusing imbestigasyon ng pamahalaan at tigilan na ang kasasabing ito ay isolated incident lamang.
Dapat mabusisi ang lahat ng anggulo kung sinu- sino ang nasa likod nito at kung ano ang tunay na motibo. Pera - pera nga lang ba o baka naman may iba pa.
Hindi dapat isara ang mata at isipan sa isang anggulo dapat mahalukay ito nang husto.
Noon lamang nakalipas na Biyernes, isang engineer ang nakitaan daw ng dalawang bala sa Davao International Airport.
Bagamt kinasuhan ito, itinatanggi ng engineer na may alam sya dito.
Lumalalim talaga ang ganitong insidente, dahil nagkakasunud- sunod ang sinasabing mga pasahero na nakukunan ng bala.
Posibleng marami pa ang nagkaganito, ang iba marahil ay hindi na lumutang dahil sa takot o ang ilan naman ay ayaw nang maabala pa.
Pero kung hindi mabubulgar o mabibigyan ng masusing imbestigasyon ang isyung ito pwedeng lalung mamihasa ang mga taong sangkot dito. Patuloy silang mamamayagpag at mambibiktima.
Kaya nga ang hikayat ng mga kinauukulan sa mga itunay na naging biktima makipgtulungan para ito maimbestigahan.
Nakakapagtaka lang na sa kabila nang kung kailan mainit ang isyu ikol dito eh bakit patuloy pa rin na may nakukuhanan ng mga bala sa bagahe o bulsa ng kadalasang OFWs o mga dayuhang pasahero.
Baka bukod mga sa pinagkakakitaan ito eh may mas malalim pang motibo o anggulo sa jstorya nito.