NOON pa nagsusulat ng nobela si Abraham “Bram” Stoker pero hindi ito nagiging mabenta. Nanatili siya “nobody” bilang nobelista dahil hindi kailanman naging best seller ang kanyang mga librong sinulat. Upang madagdagan ang kinikita bilang nobelista ay nagtrabaho siya bilang tagapamahala ng Lyceum Theatre, ang sikat na teatro sa London na pag-aari ni Henry Irving. Si Henry Irving ang itinuturing na greatest actor noong 1890’s. Upang maisingit ang first love ni Bram, nagsusulat siya tuwing breaktime.
Noong 1890, uso na ang mga nobelang tumatalakay sa mga bampira. Naisipan ni Bram na subukang sumulat ng horror, partikular ang tungkol sa bampira. Ang gusto niyang bida sa kanyang gagawing vampire novel ay isang nobleman, kaya pinangalanan niya itong Count Wampyr. Kaso parang hindi magandang pakinggan. Isip ulit siya. Count Ordog, Romanian word sa satan…tapos, pinalitan ng Count Pokol, Romanian word sa hell. Walang “libog” ang mga pangalang naisip niya. Hindi bagay sa nakakatakot na bampira.
Minsan sa kanyang pagbubuklat ng libro sa library, nabasa niya ang pangalang Prince Vlad Dracula, isang malupit na warlord noong 15th century mula sa Transylvania na ngayon ay northern Romania. Nagustuhan niya ang pangalang Dracula para sa kanyang pangunahing tauhan. Tutal ang tauhang gagamitin niya sa istorya ay mula sa Transylvania, ito na rin ang lugar na gagamitin niya sa kuwento. Nag-research siya tungkol sa geography ng lugar at kung ano ang mga superstitious belief ng mga tao dito. Unti-unting nagkaroon ng buhay ang story outline ni Bram Stoker na ang temporary title ay “THE UN-DEAD”. Ang story outline ay naging nobela at biglang isinilang ang isang nakakatakot na bampira sa katauhan ni Count Dracula. Natapos ang nobelang Dracula pagkaraan ng pitong taon, 1897.
Inaasahan ni Bram na magiging big hit ang kanyang nobela ngunit nabigo siya. Isa na namang flopsina ang kanyang obra. Sinubukan niyang ialok kay Henry Irving ang Dracula para gawing dula sa Lyceum Theater, ngunit tumanggi si Irving dahil hindi siya nagagandahan. Namatay si Bram na mahirap noong 1961. Pagkaraan ng isang taon, napilitang ibenta ng kanyang misis ang original copy (nakasulat-kamay ni Bram) ng Dracula sa pamamagitan ng public auction sa halagang 3 Pounds.