“BAKIT Nectar?’’ Tanong ni Juan sa papalapit na boarder. Hindi na makaiwas si Juan kaya hinarap na niya. Sa totoo lang hindi siya makatingin nang sabayan kay Nectar. Masyadong malakas ang karakter ni Nectar.
“Sir Juan, may problema po sa banyo namin,” sabi ni Nectar. Naka-shorts si Nectar. Lantad ang makikinis at mapuputing hita.
“Anong problema, Nectar?’’
“Parang barado po yata ang drainage?’’
“Ipinaayos ko na iyon mga isang buwan na ang nakararaan?’’
“Bakit po parang barado?’’
“Kung minsan kasi nababarahan ng buhok.’’
“Wala naman pong buhok.’’
“Mabagal ba ang pagbaba ng tubig?’’
“Medyo mabagal, Sir Juan.’’
“Teka at titingnan ko. Wala na bang gagamit ng banyo?’’
“Wala na po Sir Juan. Ako na lamang ang hindi pa nakakagmit. Nasa school na po mga kasama ko sa kuwarto.’’
“Ganun ba? Sige at pupuntahan ko.’’
“Sige po Sir Juan.’’
Isinara ni Juan ang kanyang opis at kinuha ang flashflight. Maaaring barado ng buhok ang drainage at kailangang silipin niya. Mahahaba kasi ang buhok ng kanyang babaing boarders sa kuwartong iyon. Anim silang babae sa kuwarto na gumagamit ng banyo. Bawat kuwarto ay may banyo.
Tinungo na niya ang kuwarto nina Nectar. Sarado ang banyo. Kumatok siya. Narinig niya ang boses ni Nectar mula sa loob. “Sandali lang Sir Juan. Dyumidyinggel lang!’’
Pagkaraan ng ilang sandali ay binuksan ni Nectar ang pinto.
“Halika Sir Juan.’’
Pumasok si Juan.
“Ayan o may tubig pa. Mabagal talaga,” sabi ni Nectar.
“Sige nga buksan mo ang gripo,’’ utos ni Juan.
Binuksan ni Nectar ang gripo. Bumuhos ang tubig sa tiles na flooring. Malakas ang buhos. Lumalagaslas. Umaagos naman sa drainage napansin ni Juan.
“Umaagos naman, Nectar.’’
“Bakit kanina mabagal?’’
“Baka may buhok. Teka at paplaslaytan ko.” Binuksan niya ang hawak na flashlight at tinutok sa drainage. Nasilip niya ang ilalim ng drainage kahit may stainless strainer. May buhok siyang nakita. Mahahaba.
“May buhok nga kaya mabagal ang agos. Teka at lilinisin ko. Kukuha lang ako ng dustpan.’’
Pero nakalapit si Nectar sa tabi ni Sir. Juan.
“Nasaan ang buhok, Sir Juan.’’
“Ayun. Tingnan mo.’’ Tinutok ang flashlight.
“Ay oo nga. Ang hahaba ng buhok.’’
Hanggang sa mapahawak si Nectar sa pihitan ng shower at napihit. Bumuhos ang pinong tubig. Eksakto sa kanilang dalawa ni Sir Juan. Basang-basa sila! (Itutuloy)