Mga katotohanan sa buhay ni Mrs. Juana de la Cruz

1. Kung ano ang inuugali ng iyong nobyo noong magsyota pa kayo, iyon na talaga siya hanggang sa huling hugot ng kanyang hininga. Kaya huwag umasa na magbabago siya. Ang magbabago lang sa kanya ay kulay ng buhok – from black to white o ang tikas ng katawan – from six packs abs to butete abs.

2. Hindi totoo na kapag mabait ang isang lalaki sa kan­yang ina at kapatid na babae, palatandaan iyon na magiging mabait din siya sa kanyang magiging misis. Pangkaraniwang nangyayari, masungit ang ganitong lalaki sa kanyang misis. At eto pa, kapag nag-away kayo ng iyong biyenan, si Mister ay  sa kanyang ina pa rin kumakampi dahil ang katotohanan, mas mahal niya ang kanyang ina kaysa asawa. Pero hindi ito aaminin ni Mister, ever!

3. Mas matagal ang inyong pagsasama, mas lalong nagiging “at home” ang mag-asawa sa isa’t isa. Bunga nito, lumalampas minsan sa kagandahang asal si Mister. Nagiging pangkaraniwang bagay na lang ang pang-iinsulto niya sa kanyang misis.

4. Darating ang panahon na mawawalan ng energy si Mister. Isang naghuhumiyaw na palatandaan  ay wala nang “ganap” ang inyong sex life. Wala as in zero sex sa matagal na panahon. Pero tanggapin mo nang maluwag ang pangyayaring ito. Hindi lang empleyado ang puwedeng magretiro sa trabaho. Si Totoy Bato, nagiging marsmallow din.

Marriage is neither heaven nor hell, it is simply purgatory.Abraham Lincoln

Show comments