^

Punto Mo

Sir Juan (9)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TOTOO naman ang sinabi ni Juan na wala nang bakante sa boarding house. Matagal nang nakaumpisa ang first semester kaya okupado na lahat ang kuwarto. Magkakaroon ng bakante sa second semester.

“Wala talagang bakante, Miss,” sabi ni Juan sa nakaupong babae sa silyang nasa harapan niya. Nakatungo ang babae na parang matamlay na matamlay sa sinabi ni Juan.

“Baka naman po, mayroon kahit na kapirasong space,’’ sabi ng babae na nahahawig kay Maja Salvador.

“Wala na talaga Miss. Alanganin kasi ang pagdating mo. Tapos na ang first sem.’’

Nakatungo pa rin ang babae. Parang binagsakan ng langit. Mukhang kailangang-kailangan nang matitirahan.

Parang nadudurog ang puso ni Juan. Talagang madali siyang mabagbag ang loob kapag nagmakaawa ang babae. Pero ano ang magagawa niya? Talagang wala nang bakante. Hindi naman siya maaring magpaalis. Lalong hindi tama iyon. Hindi niya malaman ang gagawin.

“Maawa ka na Sir. Talaga pong kailangan ko lang nang matitirahan. Working student ako Sir.’’

“Nag-inquire ka na ba sa ibang boarding house?”’

“Wala rin pong bakante. Ilang araw na po akong naghahanap pero wala talaga. Wala naman akong kamag-anak dito. Ulila na po ako Sir. Solo flight ako.’’

Lalong nakonsensiya si Juan.

“Sige na Sir. Tanggapin mo na ako.’’

Hindi malaman ni Juan ang gagawin. Pero naaawa siya sa babae. Matitiis ba niya ito? Kawawa naman.

“Sige. Bahala na kung saan ka titira.”

“Salamat po Sir.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

LALONG

MAJA SALVADOR

NAKATUNGO

PERO

SIGE

SIR. SOLO

SIR. TALAGA

SIR. TANGGAPIN

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with