May limitasyon ang demokrasya

DAPAT rebyuhin ng Comelec ang kanilang mga panuntunan sa pagtanggap ng mga certificate of candidacy (CoC) ng mga tatakbo sa eleksiyon.

Sa ngayon ay patuloy ang paglobo ng mga kakandidato na nais maging presidente lalo na ang mga hindi naman seryoso ay walang kakayahan na makapagkampanya para libutin ang buong bansa.

Malinaw na malinaw naman na karamihan sa mga ito ay hindi seryoso sa halip ay ginagawang katatawanan ang halalan sa bansa.

Pero ayon sa Comelec, tanggap lang sila nang tanggap ng CoCs kahit sino ang maghain at saka na lamang ito sasalain.

Bahagi raw ng demokrasya ang panuntunang ito ng Comelec bilang pagpapahintulot sa lahat na makapaghain ng CoC.

Hindi ako sang ayon sa posisyong ito ng Comelec at ng ilan pang mambabatas dahil ang sinasabing demokrasya ay may limitasyon.

May ilang naghain ng CoC sa pagka-presidente na naghain na noon at naideklarang nuisance candidate at ang iba naman at walang kakayahan ng makapagkampanya sa halip ay nauuwi lang sa katatawanan.

Sa mga naghahain kasi ng CoC ay may pagkakataon ang lahat na magsalita sa media at isa ito marahil sa nag-eengganyo sa lahat para mapanood sa telebisyon, marinig sa radyo at mabasa sa diyaryo.

May ilan akong nakausap ng foreigner at nagulat ang nga ito sa uri ng mga kakandidatong presidente na nagiging sentro ng katatawanan na maaring umipekto sa integridad at kasagraduhan ng eleksiyon sa bansa.

Napakabigat ng problema ng mga Pilipino at dapat lang na maging seryoso ang lahat ng kandidato at ilahad ang makatotohanan na plataporma at hindi puro pangako na mapapako.

Show comments