Kompanya sa China,pinarusahan ang mga empleyadosa pamamagitan nang paglakad na nakaluhod
ISANG kompanya sa Zhengzhou, Henan Province sa China ang grabeng binatikos online, dahil sa hindi makataong pagpaparusa sa mga empleado nito. Pinalakad nang nakaluhod ang mga empleado na hindi nakaabot sa sales target. Pinaikot sila sa lake na nakaluhod. Nalathala sa lahat nang media outlet ang ginawang parusa.
Ayon sa report, 12 empleado ang pinalakad nang nakaluhod sa paligid ng lake na ang pathway ay yari sa kahoy.
Nakita ang mga empleado ay pawisang-pawisan habang nakaluhod na naglalakad at ang iba ay halos mapunit na ang damit dahil sa paglakad nang paluhod. Nakita ang iba na duguan ang tuhod dahil tumatama sa nakausling kahoy.
Ayon sa mga naparusahang empleado, nagalit ang may-ari ng kompanya sa kanila dahil mahina raw ang kanilang performance.
Hindi makapagreklamo ang mga empleado sa hirap nang paglakad na nakaluhod dahil may mga staff ang kompanya na nagbabantay sa paligid ng lake. Kailangang tapusin nila ang pag-ikot sa lake.
Russian scientist, nag-injectng ‘eternal life bacteria’ para bumata at lumakas
ISANG grupo ng Russian scientists ang naniniwala na ang sekreto para bumata at magkaroon ng kakaibang lakas ay ang bacteria na nasa kaparangan ng nagyeyelong Siberia.
Ayon sa mga scientists, ang strain ng bacteria na nasa Siberia ay 3.5 milyong taon na at naka-survive dahil na-frozen ito.
Upang mapaniwala ang marami, sinubukan ni Anatoli Brouchkov, head ng Geocrylogy Deparment sa Moscow na mag-inject ng bacteria mula sa Siberia.
At sabi ni Brouchkov, mula nang mag-inject siya ng bacteria, lumakas siya at bumata. Ayon pa sa kanya, hindi siya nagkaroon ng flu sa loob ng dalawang taon.
Gayunman, sinabi niya na hindi pa panahon para i-market ang bacteria. Masyado pa raw maaga. Sinabi rin niya dapat pa ring pag-aralan ang bacteria. Maaari raw na ang naranasan niyang hindi pagkakaroon ng flu sa loob ng dalawang taon ay psychological at hindi scientific.
- Latest