^

Punto Mo

Mainit na halalan, ramdam na

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa Oktubre 12 na ang simula ng filing  ng certificate of candidacy  sa mga tatakbo para sa 2016 election,  pero ngayon pa lang ramdam na ang  magiging  mainit na naman  na halalan.

Kasi nga, may ilan ng nangyayaring mga karahasan na sinasabing may  kinalaman sa halalan.

Kahapon lang, apat katao ang nasawi habang anim pa ang nasugatan makaraang pasabugan ng bomba ang convoy ng behikulo ng isang bise alkalde sa Brgy. Sunrise, Isabela City, Basilan.

Sa ulat,  ala-1 ng hapon habang bumabagtas sa lugar ang convoy ng behikulo ni incumbent Isabela City Vice Mayor Abdubaki Ajibon  nang sumabog ang eksplosibo na itinanim sa isang tricycle  sa highway ng nasabing lugar.

Resulta tatlong umano’y security escort ni Ajibon  ang nasawi habang anim pa ang nasu-gatan.  Isa pang sibilyan na lulan ng motorsiklo na napadaan sa lugar kasunod ng convoy ang nasawi rin sa insidente.

Bagamat hindi pa tukoy ang tunay na motibo rito o kung target nga ang bise-alkalde,  anggulo sa banggaan sa pulitika ang pangunahing sinisilip.

Hindi lang sa malalayong lalawigan nasusumpungan ang ganitong mga karahasan na may kinalaman sa pulitika, kundi maging sa Metro Manila.

At hindi rin lang ito nangyayari sa magkakatunggali sa matataas na posisyon, kundi hanggang lebel ng barangay.

Hindi nga ba’t Nobyembre 2009 nang maganap ang matinding karahasan na tinaguriang Maguindanao massacre kung saan 58 katao ang iniulat na nasawi kabilang ang may 38  journalist. Naganap ang masaker sa filing pa lamang ng COC para sa 2010 elections noon.

Sa susunod na linggo, magsisimula na ang filing ng COC para sa halalan sa 2016, dito posibleng magkakahara-harap na ang mga magiging magkakatunggali.

Kanya-kanya na yang pakulo sa filing pa lamang, kasama ang kanilang mga supporters na kadalasan dito pa lang nagkakaroon na ng mga iringan na siyang pinagmumulan ng mga karahasan at pagkakasakitan.

Ito naman ang tututukan at kailangang mabantayan ng ating kapulisan, isama pa ang sinasabing mga private armies ng ilang politician.

Sana naman ay hindi maulit pa ang matitinding karahasan dulot ng halalan, wala na sanang magbuwis pa ng buhay o madamay pa dahil dito.

AJIBON

ANG

BAGAMAT

BASILAN

BRGY

ISABELA CITY

ISABELA CITY VICE MAYOR ABDUBAKI AJIBON

METRO MANILA

MGA

NBSP

SA OKTUBRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with