Sampaguita (177)

“HALIKA na Sam, maligo na tayo. Wala namang makakakita sa atin dito,’’ yaya ni Ram.

“Parang hindi na ako sanay maligo na walang…’’

“Walang saplot?’’

“Oo. Parang natatakot na akong maghubad.’’

“Epekto ng ginawa ni Levi.’’

“Oo. Nagkaroon ako ng phobia.’’

“Kalimutan mo na yun, Sam. Wala na yun. Patay na si Levi. Natapos na ang problema natin.’’

Napatango si Sam.

“Halika na, maligo na tayo. Parang ang sarap malunoy sa sapa.’’

Biglang naghubad si Ram. Hubo’t hubad!

Naitakip ni Sam ang mga palad sa tapat ng mata.

“Ay ano ba ‘yan Ram?’’

Nagtawa si Ram.

“Halika na kasi. Maghubad ka na. Tayong dalawa lang naman dito.’’

“Sige na nga! ”

Naghubad na rin si Sam. Muli, napagmasdan ni Ram ang kagandahan ni Sam. Wala pa ring pagbabago ang alindog ni Sam. Kung gaano kaganda noon, ganito pa rin ngayon. Wala talagang nabago kahit na dumanas ng pagkasiphayo sa hayop na si Levi. Sariwang-sariwa pa rin si Sam.

Lumusong sila sa sapa. Nauna si Ram.

“Ang sarap ng tubig. Maligamgam!”

“Galing kasi sa bukal ang tubig.’’

“Di ba nakagagamot ang maligamgam na tubig?’’

“Oo. Sabi ni Lola mahusay sa katawan ang tubig na maligamgam. Kaya nga dito niya ako pinaliligo.’’

Kinuha ni Ram ang kanang palad ni Sam. Hina­likan.

“I love you Sam.’’

“I love you too.’’

“Akala ko, hindi na tayo magkikita pa, Sam. Nang malaman ko na dinala ka ni Levi sa resort, hindi na ako mapakali. Naipangako ko, hahanapin kita at ililigtas.’’

“Nagawa mo di ba? Ilang beses mo na nga akong niligtas.’’

“Oo.’’

“Kaya dapat lang na magpakasal na tayo. Ayaw ko nang magkalayo pa tayo.’’

Niyakap ni Ram si Sam. Nagkadait ang kanilang mga hubad na katawan. Lalong naging maligamgam ang tubig na kanilang kinaroroonan. Parang may nagsisimulang bulkan sa kanilang sarili.

(Itutuloy)

Show comments