^

Punto Mo

EDITORYAL – Very Important Prisoners (VIP)

Pang-masa

NOON pa may Very Important Prisoners (VIP) na. Naging matunog ang mga VIPs sa New Bilibid Prisons (NBP) kung saan ang mayayamang bilanggo ay maaaring mamuhay na parang nasa laya. Kumpleto sa gamit ang selda --- may aircon, kama, toilet and bath, kitchen, bar at kung anu-ano pang luho. May VIP na puwedeng lumabas ng NBP at dinadalaw ang building niya sa Ayala. Marami pang VIPs na nagagawa ang lahat nang gusto, basta may pera.

Ang naarestong magkapatid na sina Joel at Mario Reyes ay naaakusahang nabibigyan ng VIP treatment sa Puerto Princesa City jail. Nang dalhin sila sa jail mula sa Maynila, nagpatawag sila ng press confe-rence. Ayon sa Department of Justice, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapatawag ng presscon ng mga detention prisoners at tanging korte lamang ang mabibigay ng pahintulot sa mga ito. Ayon sa report, mahigit isang oras ang presscon ng magkapatid na Reyes na ginawa mismo sa loob ng jail. Depensa naman ng jail warden ng jail na si Senior Insp. Don Paredes, ambush interview lang daw ang nangyari at hindi presscon. Marami raw naghihintay na mamamahayag sa pagdating ng Reyes Brothers sa bilangguan. Sinibak na si Paredes sa puwesto.

Nahuli ang magkapatid na Reyes sa Phuket, Thai­land. Suspected masterminds sila sa pagpatay sa broadcaster-environmentalist na si Gerry Ortega noong Enero 2011. Si Joel Reyes, 63, ay dating governor ng Palawan samantalang si Mario Reyes, 54, ay mayor ng Coron, Palawan. Ayon sa Thai authorities, isang tip mula sa Interpol na nalathala sa Bangkok Post ang naging daan para maaresto ang magkapatid.

Mabuti naman at sinibak ang warden. Kung hindi, baka buhay-malaya rin ang kondisyon ng mga akusado. Umano’y malawak ang kulungan ng dalawa at may sariling electric fan at comfort room samantalang ang iba pang detainee ay nagsisiksikang parang sardinas  sa maliit na selda. Ayon pa sa report, humihirit ng hospital arrest ang Reyes Brothers subalit ang Malacañang mismo ang nagsabi na hindi pagbibigyan ang hiling ng mga ito.

Nagiging kalakaran na sa mga bilangguan sa bansang ito na kapag may pera at maimpluwensiya ang bilanggo, ay may VIP treatment. Hinahayaan ng corrupt na warden at jailguards sapagkat nakikinabang sa mayamang bilanggo. Hindi dapat mangyari ang ganito. Dapat pantay-pantay sa bilangguan.

ANG

AYON

BANGKOK POST

DEPARTMENT OF JUSTICE

DON PAREDES

GERRY ORTEGA

MARAMI

MARIO REYES

NEW BILIBID PRISONS

PALAWAN

REYES BROTHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with