Ang pitong kakaibang regalo
MAY pitong iba’t ibang regalo na maaari mong ibigay sa iyong kapwa nang hindi ka gagastos kahit isang sentimo. Anu-ano ang mga ito?
The Gift of Listening. Alam n’yo bang mapapagaan mo ang loob ng isang tao kung pakikinggan mo ang lahat ng kanyang saloobin nang wala kang sasabihin kahit ano?
The Gift of Affection. Ang iyong yakap, halik, marahang tapik sa balikat ng mahal sa buhay ay nagbibigay ng hindi mapantayang kasiyahan sa kanilang puso.
The Gift of Laughter. Ang isang pangkaraniwang karanasan sa school ay nagagawa ng aking anak na bunso na maging komedya. Marahil kung ibang tao ang magkukuwento, hindi iyon nakakatawa. Palibhasa ay “witty” siyang magkuwento, at magaling pumili ng gagamiting salita na nakakatawa, napapahalakhak niya kaming mag-anak kapag siya ang nagkukuwento.
The Gift of Compliment. Ang simpleng pagpuri sa suot na damit ng isang kakilala sa bago niyang hairdo ay makakapagpaganda ng kanyang umaga.
The Gift of Favor. Upang maiba ang takbo ng iyong buhay sa araw-araw, gumawa ng isang simpleng kabutihan sa kapwa kada araw.
The Gift of Solitude. May mga panahong gustong mapag-isa ng isang tao. Ibigay mo ang pagkakataong iyon at huwag siyang abalahin sa kanyang pananahimik.
The Gift of Cheerful Disposition. Maging mabait sa mga taong nakakasalamuha mo sa araw-araw. Ito ang pinaka-mabilis na paraan para mapasaya mo ang kanilang damdamin. Ang simpleng “thank you” sa staff ng baggage counter sa mga malls at supermarket ay magbibigay sa kanila ng “feeling of importance” gaano man kababa ang kanilang posisyon.
We make a living by what we get, but we make a life by what we give. ~ Winston Churchill
- Latest