^

Punto Mo

Doblehin pa pagbabantay sa mga tandem

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung nitong mga nakalipas na araw, halos sunud-sunod ang ginawang pag-atake ng mga kawatang tandem na dawit sa mga panghoholdap at pang-iisnatch, kahapon naman mga tandem suspects din ang dawit sa ilang serye ng pagpaslang na naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.

Kahapon  ng tanghali ,pinaslang ng  riding in tandem na suspect  ang isang opisyal  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Navotas naman.

Nakilala ang nasawi na si Jail Inspector Leo Jaucian, deputy jail warden sa Navotas City jail.

Sa Maynila, isang lalaki rin ang napatay ng tandem na suspects sa may Tondo, Maynila, kamakalawa.

Sa Caloocan, isang rider na suspects naman ang umambus at nakapatay sa pulis-Caloocan na si SPO1 Rodrigo Antonio sa Bagong Barrio. Papasok sa trabaho ang nasabing pulis lulan ng kanyang motorsiklo nang harangin ng suspect saka pagbabarilin.

Ilan lamang ito sa  sunud-sunod na  pag-atakeng ginawa ng mga kriminal na tandem sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila,

Bukod pa nga dyan ang mga pag-atake ng mga kawatan ding tandem na sangkot naman sa mga panghoholdap, pang-iisnatch at panloloob.

Isa na nga sa naging biktima ng mga ito, ang aking kasama sa radio program na SOCO sa DZMM na si tandem David Oro .

Tila bumalik na naman ang matinding problema ng PNP sa mga tandem na ito.

Ang mahirap pa rito, makunan man ng nakakalat na CCTV, hindi rin makakuha ng magandang lead sa pagkatao ng mga ito dahil nga nakasuot ng helmet.

Kailangan nga yata talagang doblehin ng PNP ang pagbabantay at pagmomonitor sa mga tandem na aktibo na naman sa mga panahong ito .

Huwag lang sana sa gabi gawin ang matinding pagbabantay sa mga ito, dahil maging sa araw ay aktibo sa kanilang pagsalakay ang mga ito.

Malaking tulong din kung sa mga nakakalat na CCTV sa mga lansangan, gaya ng matagal na nating nasabi eh mayroon nang nakamonitor para kung makuhanan eh agad na  marespondehan.

Malaking bagay din maging ang taumbayan ay magiging mapagmasid sa mga kaduda-dudang kilos ng tandem na agad na ipaalam sa mga awtoridad.

ANG

BAGONG BARRIO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DAVID ORO

ITO

JAIL INSPECTOR LEO JAUCIAN

MALAKING

METRO MANILA

MGA

NAVOTAS CITY

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with