TAONG 2009, in-operate at ipinalabas ng BITAG sa telebisyon ang episode na “Mall Predator.” Reklamong isinumbong na matagal nang namamayagpag sa 4th floor ng Isetann Mall sa Recto, Maynila.
Sa loob nang maraming taon, nagmistulang tambayan ng mga parukyanong “mall predator” ang Fun Center. Paikot-ikot at pakalat-kalat, naghahanap ng mga matitipuhang iti-take-out na mga kabataang tambay.
Eye signal o pagkurap ng mata lang, kasado na ang transaksyon. Kapag nagkasundo na ang mall predator at ‘pick-up boy’ diretso take-out na agad sa target.
Sabi nga ng mga parukyanong mall predator, hindi babalik ang isang ‘pick-up boy’ sa nasabing mall kapag hindi siya nasarapan.
Para kumpirmahin ang lihim na ito ng Isetann, ngayong Setyembre 2015, makailang beses lumubog ulit ang mga BITAG ‘carefully hand-picked actor.’ Kitang-kita sa surveillance video ang mga atat na atat na predator parang asong ulol na naglalaway sa madadagit na ‘laman.’
Subalit, ayon sa mall administrator ng Isetann, nililinis na raw nila ang kanilang Fun Center at hinihigpitan na rin ang aktibidades sa loob ng kanilang establisemento.
Pero sa isinagawang surprise visitation ng Manila City Hall Bureau of Permits at BITAG, kabaliktaran ang nakita ng administrador sa aming surveillance video, tuloy pa rin ang lihim na nangyayari sa 4th floor.
Nag-iwan ng mensahe ang BITAG sa administrador at sa mga mall predator. Panoorin ang “Lihim ng Isetann” mamaya sa bitagtheoriginal.com click BITAG New Generation.
• • •
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.