^

Punto Mo

EDITORYAL – Picture ng mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo, ilagay na sa pakete

Pang-masa

NAKABABAHALA ang report na nagla-lobby umano ang mga kompanya ng sigarilyo sa Department of Trade and Industry (DTI) para ma-delay ang implementasyon ng paglalagay ng graphic warnings sa pakete o ‘yung mga picture ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Nakasaad sa batas na dapat ay naka-print na ang mga picture ng sakit sa darating na sa Nobyembre 5, 2015. Maraming nangangamba, lalo na ang mga cancer survivors na hindi masunod ang batas. Ayon pa sa report, wala pang iniisyung implementation rules and regulations ukol sa Graphic Health Warning (GHW).

Kung totoo ito, lumilitaw na binabastos ang Republic Act 10643 na nag-uutos lagyan ng graphic health warnings ang mga kaha ng sigarilyo. Pinirmahan ang RA 10643 noong nakaraang taon ni President Noynoy Aquino. Kabilang sa mga ipi-print sa mga kaha ay ang mga retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo gaya ng cancer sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila at ang sakit na emphysema, katarata at sakit sa puso. Bukod sa mga retrato ng sakit, obligado rin ang mga cigarette companies na ilagay ang mga mensahe na nagpapaalala na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Sa kasalukuyan, maliit na mensahe lamang ang nakalagay sa bawat kaha ng sigarilyo na halos hindi mabasa. Layunin ng paglalagay ng mga retrato ng sakit sa mga kaha na mapigilan ang mga naninigarilyo at mga nagbabalak pa lamang. Inaasahang marami ang magdadalawang-isip na manigarilyo kapag nakita ang mga retrato ng sakit.

Sa Southeast Asia, tanging ang Pilipinas na lamang ang walang graphic warning sa kaha ng sigarilyo. Sa ginawang pag-aaral, maraming tumigil sa paninigarilyo nang makita ang nakaririmarim na sakit na nakalarawan sa kaha ng yosi. Nabawasan ang bilang ng mga nagyoyosi sa Thailand, Australia at Canada makaraang ilagay ang mga larawan ng sakit sa kaha ng yosi.

Ayon sa Department of Health (DOH), 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Nasa panganib din umano ang mga taong laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.

Ipatupad ang RA 10643 para ma-discouraged ang mga nagyoyosi na karamihan ay mga kabataan.

ANG

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GRAPHIC HEALTH WARNING

KAHA

MGA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPUBLIC ACT

SA SOUTHEAST ASIA

SAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with