^

Punto Mo

EDITORYAL – Nagbaha dahil sa basura

Pang-masa

ISANG linggo nang sunud-sunod ang pag-ulan tuwing hapon at gabi. Nagdudulot ito ng pagbaha at ang resulta, buhul-buhol na trapik. Maraming nai-stranded.

Pinaka-matindi ang nangyaring baha noong Martes ng gabi na nagdulot ng trapik sa maraming bahagi ng Metro Manila. Inabot ng limang oras sa kalye ang mga motorista dahil hindi umuusad ang mga sasakyan. Bumaha sa Quezon City, Maynila, Makati at Pasay. Madaling araw na nang makauwi ang mga tao. Sabi ng mga na-stranded, iyon ang pinakamahaba nilang inilagi sa kalye. Umalis sila sa bahay ng Martes at nakauwi ng Miyerkules. Pinerwisyo sila ng baha at trapik at walang opisyal ng gobyerno, particular ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na sumaklolo sa kanila.

Sinisisi sa pagbaha sa QC ang mga basurang bumara sa drainage. Maraming supot na plastic ang nakitang nakasabit sa mga barandilya ng island na isang palatandaan na inanod doon ng baha. Dahil nabarahan ang mga drainage, hindi makaagos ang tubig kaya lumubog ang mga kalsada. May mga sasakyang nalubog sa baha. Iglap lang ay naging dagat na ang mga kalsada sa QC particular sa Mother Ignacia Avenue at P. Tuazon sa EDSA.

Ang matindi ay nang bahain ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Hanggang baywang umano ang baha sa mismong paliparan at sa mga kalsadang nakapaligid dito. Unang pagkakataon umano na binaha ang paliparan nang ganoon kalalim.

Nadiskubre ang dahilan kung bakit nagkaroon ng biglaang pagbaha sa NAIA. Barado umano ang mga drainage sa lugar kung saan ginagawa ang Skyway. Natakpan ng mga buhangin, graba, semento at lupa ang mga drainage kaya umapaw ang baha sa kalsada. Walang ibang pupuntahan ang tubig kaya napuno ang mga mababang lugar sa NAIA.

Kapabayaan ng kontraktor ng Skyway ang dahilan kaya bumaha sa airport. Sila ang dapat imbestigahan sa nangyaring pagbaha. Ang kawalan ng disiplina ng mga residente sa QC sa pagtatapon ng kanilang basura ang dahilan kaya laging may pagbaha sa lungsod.

ANG

BAHA

BARADO

BUMAHA

MARAMING

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

MOTHER IGNACIA AVENUE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with