^

Punto Mo

Kakandidatong ‘pa-bebe’, bitaw na

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami-rami na rin  sa mga nakaupong opisyal ng pamahalaan ang pormal nang nagpahayag ng kanilang mga tatakbuhang posisyon sa darating na halalan sa susunod na taon.

Meron din naman na pakipot pa kunwari, iyong tipong   nagpaparamdam lang unti-unti. Yung iba ‘pa- bebe’ pa.

Ok lang naman ito, pero  kung talagang may balak na talaga silang tumakbo, sana ay magkaroon din naman sila ng delikadesa na mag-resign na sa kanilang pwesto. Hindi masisisi ang taumbayan na pag-iisipan silang ginagamit ang kanilang tanggapan para sa isang uri na ng kampanya o pamumulitika.

Marami ang ganito sa kasalukuyan, ngayon nagsisipag sa mga gawain sa kanilang tanggapan, naghahabol sa mga programa sa kanilang bahay para lamang sila mapansin.

Hindi rin maiaalis na isipin ng taumbayan na pondo ng hawak nilang tanggapan ang nagagamit nila sa kanilang pagpapakilala sa mga mamamayan.

At kahit naman hindi nila alamin ito, alam nila sa kanilang sarili na gamit na gamit talaga nila ang hinahawakan nilang ahensya sa  kanilang ambisyon sa politika.

Sa buwan ng Oktubre na ang pagsisimula ng pagpa file sa certificate of candidacy para sa  mga tatakbo sa eleksyon na malamg ilang araw bago ito magsimula ay doon pa lamang tuluyang binitaw sa kanilang pwesto ang mga opisyal na pamahalaan na tatakbo.

May ilan naman na kuneari magbibitiw pero hindi umano tatanggapin ni PNoy kaya patuloy pa rin sa kanilang tanggapan. 

Lalu na nga sa mga  opisyal na humahawak mg sensitibong posisyon na posibleng magamit ang hinahawakan nilang tanggapan laban sa mga makakatunggalo nila sa halalan.

Matatak sa isip na malaking bagay ang delicadeza sa isang matapat at malinis na halalan.

 

ANG

KANILANG

LALU

MARAMI

MATATAK

MERON

MGA

NAMAN

NBSP

OKTUBRE

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with