^

Punto Mo

Meritocracy advocacy ni Marquez, pambobola lang?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMING police officials sa Camp Crame ang nagtaas ng kilay sa promotions nina Chief Supts. Rudy Lacadin at Miguel Antonio na mukhang hindi angkop sa meritocracy advocacy ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez. Sa panibagong reshuffle ni Marquez, si Lacadin ay inilagay na officer-in-charge (OIC) ng PRO3, samantalang si Antonio ay sa PRO9 sa Zamboanga. Si Lacadin, na miyembro ng PNPA Class ’84, ay halos siyam na buwan na lang bago magretiro sa Mayo 30, 2016 samantalang si Antonio, ng PMA Class ’83 ay magreretiro na sa June 6, 2016. Si Lacadin, na ex-o ng Directo-rate for Plans (DPL) ay kapro-promote lang bago ang kanyang birthday noong Mayo 30 at ang pinakamalaking achievement niya sa buhay ay ang ma-assign sa Tarlac, ang home province ni President Aquino. Boom Panes! Di ba palakasan o padrino system din ito, Gen. Marquez Sir? T’yak ‘yun! Hehehe! Ano pa ba ang bago diyan?

Dahil sa promotion ni Lacadin, si Chief Supt. Ronald Santos, ang OIC ng PRO3 ng halos pitong buwan, ay balik DRDA! Imbes na umakyat dahil sa magandang achievements niya, eh umatras pa! Hindi lang ‘yan! Naka-linya ring ma-promote si Chief Supt. Edgar Layon, ng PMA Class ’82. Si Layon ay naka-floating status matapos sibakin ni DILG Sec. Mar Roxas sa NPD, kasama si dating QCPD director at ngayo’y Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano, dahil sa kapabayaan sa kampanya laban sa kriminalidad sa Metro Manila. Marami pa kasing mga heneral sa Camp Crame na walang position at mukhang hindi na sila umaasa sa meritocracy na ibinabando ni Marquez dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na lumang tugtugin na ito at ang namamayani sa PNP sa ngayon at ang padrino at palakasan system pa rin! Boom Panes! Hehehe! Kaya ang bukambibig sa ngayon ng police officials sa Camp Crame ay “Kapag ginusto, may paraan. Samantalang kapag ayaw, maraming dahilan.” Tumpak! Get’s n’yo mga kosa?

Hindi pa nga uminit ang puwet ni Marquez sa trono n’ya, eh marami nang demoralisado sa hanay ng PNP. Mukhang wala ring pupuntahan ang meritocracy na ibinabando niya, di lamang dahil sa promotion nina Lacadin  at Antonio, kundi maging sa patuloy na pamamalagi nina Supt. Glenn Dumlao, sa motor vehicle clearance office (MVCO) ng Highway Patrol Group (HPG) at Supt. Arthur Bisnar, bilang regional officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa PRO4-A. Uulitin ko mga kosa, si Dumlao ay nag-abroad matapos masangkot sa Dacer-Corbito slay at ganun din si Bisnar na naging nurse pa sa Estados Unidos. Subalit matapos ang mahigit 10 taon, bumalik sa Pinas sina Dumlao at Bisnar, at hayun…nabigyan pa ng juicy position o may pitsa, habang ang ibang junior officers na nagtaya ng buhay sa walang humpay na pagtrabaho ay naiwan sa kangkungan. Ano ba ‘yan? Hehehe! Kaya nganga na lang mga police officials sa Camp Crame na walang padrino, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang balitang kumakalat sa Camp Crame, ay sinamahan ng isang opisyal na malapit kay Marquez sina Dumlao at Bisnar sa opisina ni CPNP, bago sila maupo sa MVCO at PRO4-A. Narinig pa nga ng mga kosa ko si Marquez na nag-komento na, “Bakit nandito ang mga ‘yan?” Hehehe! Kapwa bata ni dating PNP chief at Sen. Ping Lacson sina Dumlao at Bisnar subalit ang ugong sa Camp Crame ay si PCSO Ayong Maliksi ang kanilang padrino. Boom Panes! Bigatin pala eh at hindi matatanggihan ni Marquez si Maliksi, di ba mga kosa?

Kung itong pagtalaga ni Marquez sa mga bagong upo na police officials ang gagawing basehan, mukhang “bola-bola” kamatis lang ang meritocracy advocacy niya. Kaya uulitin ko ang hamon ng mga junior officers, “Walk the talk, Gen. Marquez Sir! Abangan!

ACIRC

ANG

BISNAR

BOOM PANES

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DUMLAO

HEHEHE

KAYA

MARQUEZ

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with