^

Punto Mo

LTO, inutil sa bagong batas

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MULING ipinamalas ng Land Transportation Office ( LTO) kung gaano sila kapalpak at walang kuwentang ahensiya ng gobyerno.

Ito ay matapos ang panibagong trahedya sa kalsada kung saan ay naaksidente ang bus ng Valisno Express na ikinamatay ng apat katao at 18 ang malubhang nasugatan sa Quezon City.

Gusto yatang magpapogi ng LTO sa mata ng publiko kung kaya sumakay na naman sa isyu ng aksidente ng mga Valisno bus dahil nagpositibo sa paggamit ng shabu ang bus driver.

Agad naglabas ng statement ang LTO na kanilang ikinokonsidera ang muling pagbuhay ng mandatory drug testing sa mga driver na  nais kumuha o mag-renew ng kanilang lisensiya.

Naalis na kasi ang mandatory drug testing sa pagkuha ng driver’s license dahil sa  pag-iral ng bagong batas ang Republic Act  1056 (Anti-Drunk  and Drugged Driving Act of 2013).

Batay sa bagong batas, maaring magsagawa ng random drug tests ang LTO sa lahat ng public utility vehicle upang matiyak na hindi gumagamit ng iligal na droga o nakainom ng alak ang mga drayber ng pampublikong sasakyan.

Kung mahigpit na ipinatutupad ng LTO ang nasabing batas ay malamang na maiiwasan o mababawasan ang trahedya sa kalsada.

Pero inutil ang LTO  sa pagpapatupad ng bagong batas at gusto na namang ibalik ang dating sistema. Maaring isipin dito ng publiko ay nais na namang kumita. Bago matapos ang termino ng administrasyong ito ay bibigyan pa nang pasanin ang taumbayan.

Kapag pinilit na naman ng LTO ang mandatory drug testing sa pagkuha ng driver’s license, paghihinalaan na naman sila na nais itong pagkakitaan.

ANG

BATAY

ITO

KAPAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

NAALIS

NBSP

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

VALISNO EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with