^

Punto Mo

EDITORYAL - Baha dahil sa basura

Pang-masa

MINSAN pang napatunayan na ang mga basurang nakabara sa mga drainage ang dahilan nang grabeng baha sa maraming lugar sa Metro Manila. Hindi makadaloy ang tubig sapagkat nakabara ang mga basurang plastic — shopping plastic bags, tarpaulin, cup ng noodles, pakete ng yosi at mga sakong pinaglagyan ng prutas at buhangin. Bukod sa mga nabanggit, may mga basura rin na nanggaling sa mga beauty parlor at mga fast foods. Karaniwang basura na galing sa beauty parlors ay mga buhok. Ang buhok ay hindi natutunaw. Ang mantikang naipon mula sa fast foods ay nabubuo at hindi rin ito natutunaw at tumitigas pa nga sa pagdaan ng panahon. Hindi makakadaloy ang tubig kapag nabarahan ng mantika mula sa mga kainan kasama na ang mga karinderya. Walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura ang mga may-ari ng kainan at mga beauty salon.

Grabe ang nararanasang baha sa Maynila partikular sa España Blvd., Taft Avenue, Rizal Avenue, Sta. Cruz area at ang paligid ng Manila City Hall. Kapag bumaha sa mga nasabing lugar apektado ang mga tao sapagkat walang makadaan maliban sa mga malalaking sasakyan. Sa kasalukuyan, puspusan ang paglilinis ng DPWH sa drainage sa España at sa paligid ng Manila City Hall. Nabawasan naman ang pagbaha sa Blumentritt area dahil  sa inilagay na flood catchment doon. Kapag natapos, nangako ang DPWH na mababawasan ang pagbaha sa Maynila.

Ang pagbaha sa maraming lugar sa Quezon City ang nirereklamo ngayon ng mga residente. Sa Mother Ignacia St. at Panay Avenue ay umaabot sa hanggang baywang ang tubig sa maikling oras na pag-ulan. Buma­baha rin sa Kamias at Kamuning area at sa East Avenue.

Natuklasang ang mga basurang nakabara sa mga drainage ang dahilan nang pagbaha. Ito sana ang asikasuhin ng DPWH sa lalong madaling panahon. Linisin sa basura ang mga daluyan ng tubig. Magkaroon naman ng disiplina ang mga establisimento sa pagtatapon ng kanilang basura. Masosolusyunan ang baha kung tama ang pagtatapon ng basura.

ANG

ATILDE

EAST AVENUE

ESPA

KAPAG

MANILA CITY HALL

MAYNILA

METRO MANILA

MGA

PANAY AVENUE

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with