^

Punto Mo

‘Droga di prayoridad ni P-Noy’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DAPAT talagang gawin ng independenteng ahensya ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Hindi na ito dapat inilalagay sa ilalim ng Office of the President (OP) kung saan ang tingin sa kanila, tau-tauhan lang sa isang maliit na departamento.

Nagdedeklara ng giyera kontra droga ang mga operatiba ng PDEA subalit ang kanilang pondo kakarampot.

Maliban sa barya-barya lang ang pondong ibinibigay ng gobyerno, hindi rin sapat ang mga kagamitan, teknolohiya at bilang ng mga operatiba dahil ang pamahalaan nakatuon na sa pulitika.

Hindi matiyak kung sadyang manhid ang Pangulong Noy Aquino sa problemang ito o talagang nagbibingi-bingihan lang.

Hindi nababahala sa pagtaas ng krimen na ang sanhi, ilegal na droga. Para bang pinipikitan nalang ang lalo pang lumalalang problema.

Para sa administrasyon, sapat na siguro ang humigit-kumulang P500 milyones lang na pondo ng PDEA.

Minsan nang naiulat ng Narcotics Control Strategy Report ng United States Department States, transshipment o bagsakan ng ilegal na droga ang Pilipinas.

Kakulangan sa batas na may pahintulot na tiktikan  ang mga sindikato ang isa sa mga itinuturo nilang dahilan.

Papaano ba naman kasi, natutulog pa rin sa Kongreso ang isinusulong na Wiretapping Law. Walang mambabatas na naglalakas-loob na tumalakay sa isyu.

Buti nalang at may isang matapang na Mayor Rodrigo Duterte na bukod tanging pulitikong nagsasalita sa isyu.

Para sa BITAG Live, dalawang bagay lang kung bakit ayaw magsalita ng mga senador at kongresista sa ilegal na droga sa bansa.

Una, sadyang nababahag ang kanilang mga buntot. Pangalawa, protektor sila ng aktibidades ng mga sindikato dahil suportado sila ng mga nasa likod nito. Narcopolitics kung tawagin. Malapit na naman ang eleksyon.

Kung anuman ang naglalaro sa inyong isipan, kayo na ang bahalang bumalanse!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal

ABANGAN

ANG

BUTI

DRUGS ENFORCEMENT AGENCY

MAYOR RODRIGO DUTERTE

MGA

NARCOTICS CONTROL STRATEGY REPORT

OFFICE OF THE PRESIDENT

PANGULONG NOY AQUINO

UNITED STATES DEPARTMENT STATES

WIRETAPPING LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with