^

Punto Mo

Sampaguita (122)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN ay dumalaw muli si Levi at mga pagkain na naman ang dala.

Pinigilan na siya ni Sam. “Huwag ka na munang magdala ng pagkain at iba pa dahil masisira lamang. Dalawa lang kami rito ni Viring. Sayang kung mapupunta lamang sa basurahan o pagkain ng baboy.’’

“Ah okey, Sam. Masusunod ang gusto. Sorry.’’

“Hindi kasi namin ka-yang ubusin ang pagkain at pati ang prutas. Dalawa lang kasi kami ni Manang dito.’’

“Hindi pa rin dumarating ang drayber mo Sam?’’

“Hindi pa. Baka mga ilang araw pa siyang mawawala dahil may nangyari sa kanyang mother.’’

“So talaga palang magtatagal siya. Ano ngang pa-ngalan ng drayber mo?’’

“Ram.’’

Napatango na lang si Levi.

Maya-maya ay nagpaalam na ito kay Sam.

“Baka magpapahinga ka Sam kaya aalis na muna ako.”

“Sige Levi. Salamat sa dala mo. Yung  sinabi ko sa’yo kanina, huwag mong kalimutan. Salamat uli.’’

“Okey lang Sam. Sige aalis na ako.’’

Tumalikod na si Levi at lumabas na.

Lumapit si Manang Vi-ring kay Sam makaraang maihatid ang lalaki sa gate.

“Ba’t ang agang umalis ni Levi, Sam? Nagtataka ako.’’

“Baka raw kasi magpapahinga na ako, Manang. Ayaw daw niya akong gambalain.’’

“Ah ganun ba?’’

“Saka sinabihan ko rin na huwag nang magdadala ng pagkain at prutas. Sabi ko dadalawa lang tayo rito. Masasayang lang ang mga pagkain dahil walang kakain ng mga iyon.”

“Sinabi mong dadalawa lang tayo rito, Sam.’’

“Opo Manang, bakit po?’’

“Wala naman. Basta naisip ko lang na itanong.’’

“Sabi ko po ay biglaang umuwi si Ram dahil may sakit ang ina.’’

“Walang reaksiyon si Levi makaraan mong sabihin na dadalawa tayo rito?’’

“Wala naman po, Manang. Parang nagulat lang siya.’’

“Hmmm,’’ nasabi ni Vi-ring.

“Masunurin na talaga si Levi, Manang. Kung noon ay walang makapigil sa kanya, nakapagtatakang takot na takot sa akin ngayon.’’

“Oo nga napansin ko rin. Talagang nagbago na siya ano, Sam?’’

“Opo. Kung ano ang sabihin ko, sinusunod niya. Parang naging maamong tupa si Levi.”

“Ano kaya ang nakain ni Levi?”

“Baka po na-realized na ang mga nagawang kamalian.”

“Sana nga.’’

“Pero kahit nagbago na siya, tuloy pa rin ang paghihiganti. Walang atrasan.

Kinagabihan, umulan nang malakas. Maagang natulog si Sam. Nang mag­hatinggabi, nagising siya dahil sa ingay na narinig sa baba ng bahay. May nagbubukas ng pinto sa likod ng bahay.

Kinabahan si Ram. Baka magnanakaw!

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

DALAWA

LANG

LEVI

MANANG

MANANG VI

OPO MANANG

SABI

SAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with