^

Punto Mo

‘Tinangay ng alon’

- Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG isang panig lang ang iyong pinakinggan palaging may tanong na naiiwan.

“Sampung buwan pa lang ang anak namin. Ilang beses ko siyang tinext para makipagkita pero wala man lang sagot,” pahayag ni Lei.

Isang linggo na mula nang pauwiin ng ahensiya ang asawa ni Norelei Fodulla o ‘Lei’ na si Leo Angelo Fodulla.

‘Seaman’ ang kanyang mister kaya’t naiiwan siya sa bahay kapag sumasampa ito ng barko. Nang umuwi ito dumiretso daw ito sa tiyahin niya sa Pasay.

“Legal niya akong asawa. Gusto ko siyang makausap para malaman niya ang tunay na nangyari,” pahayag ni Lei.

Kwento ni Lei Marso nang dalhin sila ng mister sa Pasay dahil pag-aari daw nito ang lupa na kinatitirikan ng bahay. Nung sumunod na buwan sumakay ng barko ang mister. Inakala ni Lei na hihintayin lang nila ng kanyang anak sa bahay na yun ang mister. Kasama niya din dun ang kanyang ina at ate. Isang araw bigla na lang silang pinalayas ng tiyahin ng mister na si Mellie Fradejas dahil hindi daw makapagbigay si Lei ng hinihingi nitong Php25,000.

“Bayad daw yun sa bahay. Kinukuha niya ang ATM ko. Sabi pa niya pag-aari niya daw ang lupang yun,” ayon kay Lei.

“Ipapatigil ko ang allotment mo. Wala kang karapatan sa pag-aari ko. Walang kwenta ang kasal ninyo sa Judge,” dagdag pa umano nito.

Habang sinasabi umano ito ng tiyahin ng mister ay dinuro-duro pa sila ng kanyang kapatid at ina. Manager daw si Mellie sa isang bangko at nairecord ni Lei ang mga sinabi nito sa kanila.

“Tinotoo niya ang banta sa ‘kin. Yung padala ng mister ko nung Hunyo na $1500 ay nalipat sa account ni Mellie. Bukod pa yung binibigay sa kanya ni Leo na nasa $700,” kwento ni Lei.

Nasa $1,800 ang napupunta kay Mellie. Nalaman ito ni Lei dahil nagpunta siya sa ahensiya ng mister at binigyan siya ng pay slip ni Leo. Sa kasalukuyan nakatira ngayon sa magulang si Lei. Nag-imbestiga si Lei kung talaga bang pag-aari ni Mellie ang lupa. Napag-alaman nilang nakapangalan pala it okay Leo. Bayad na ang lupa. Wala umanong ‘Special Power of Attorney’ (SPA) ang tiyahin nito. Siya ang pumirma sa pangalan ni Leo.

“Nakalagay yun sa deed of sale. Hindi alam ng mister ko na may pinanghahawakan akong dokumento. Ang asawa ko walang hawak na dokumento lahat nasa tiyahin niya,” wika ni Lei.

Ang gusto daw mangyari ni Lei ay kausapin silang mag-ina ni Leo para malaman niya kung ano ang talagang nangyari kung bakit umalis sila sa bahay sa Pasay. Pitong taon nang nagbabarko si Leo. Hindi man lang daw nito alam kung saan napupunta ang kanyang pera nung binata pa siya.

“Ngayong may asawa na siya tinatanong pa sa ‘kin ng tiyahin niya kung saan napupunta ang pera ng mister ko,” ayon kay Lei.

Ang hiling ni Lei huwag silang pabayaan ng kanyang anak dahil lang sa tiyahin niya. Hindi na sila nasusuportahan ngayon at wala na silang panggastos sa araw-araw.

“Pinagbitiw niya kasi ako sa trabaho ko dati,” sabi ni Lei.

Nais din ni Lei na magkausap sila ng maayos ng kanyang mister at maayos ang kanilang pamilya. Huwag daw sanang magpadala sa kanyang tiyahin si Leo.

PARA SA ISANG patas na pamamahayag bukas ang aming tanggapan para sa panig ni Mellie.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, legal na mag-asawa sina Leo at Lei kaya ang kalahati ng lahat ng pag-aari ni Leo ay kay Lei din dahil sa tinatawag na ‘Conjugal Partnership’. Maliban na lamang yung mga napundar niya nung binata siya.

Hindi maaring basta na lamang kunin ng tiyahin nitong si Leo ang lahat ng kanyang pinadadala. Saan kukuha ng sustento ang mag-ina? Sampung buwan pa lang ang bata at marami pa itong pangangailangan. Obligasyon ni Leo na pangalagaan ang kanyang mag-ina. Una niyang dapat gawin ay kausapin si Lei at magkaayos. Siya ang dapat gumawa ng paraan kung paanong kasunduan ang maari sa kanila.

Mahirap naman basta pumaig kay Lei na hindi nadidinig kung bakit gagawin iyon ng tiyahin ni Leo. Hindi kaya may malalim na dahilan kung bakit maspinili niya si Mellie na pagkatiwalaan ng pera niya. Gaano din kabigat ang nilalaman ng Special Power of Attorney na kaya niyang galawin ang perang pinadadala dito?

Sa puntong ito kung hindi nakikipag-usap kay Lei ang mister maaari siyang lumapit sa Public Attorney’s Office (PAO) upang ipatawag ito at doon na sila magharap. Malinaw naman ang pahayag ni Lei na ayaw niyang magkasira silang mag-asawa ng dahil lamang sa ilang hindi pagkakaunawaan. Maganda din siguro na magkausap sila ni Mellie na kaharap si Leo upang luminaw ang ilang usapin sa pagitan nilang tatlo. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ANG

DAW

KANYANG

LEI

LEO

MELLIE

MISTER

NIYA

STRONG

TIYAHIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with