^

Punto Mo

Peace council, bumuo ng bagong BBL

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT ay tuluyang ibasura na ang naunang Bangsamoro Basic Law (BBL) na naunang nabalangkas sa pangunguna ng MILF peace panel at ng government peace panel sa pamumuno ni Prof. Miriam Coronel-Ferrer at presidential adviser on the peace process secretary Deles.

Maraming eksperto sa batas ang nakapuna na sa ilang probisyon sa BBL na umano’y labag sa Saligang Batas at mismong ang ilang senador at kongresista ay nangakong ito ay aalisin sa nasabing panukala na nakasalang ngayon sa Kongreso.

Bukod dito, inaakusahan sina Coronel-Ferrer at Deles na naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng MILF at hindi man lang isinalang-alang ang kapakanan ng mayoryang Pilipino.

Lantaran din ang pagkampi ng government peace panel sa MILF sa nangyaring Mamasapano operations na ikinamatay ng 44 SAF troopers.

Halos naubos na ang kredibilidad nina Ferrer at Deles kaya nananawagan na ang ilang mambabatas at iba’t ibang sektor na sibakin na ang dalawang opisyal.

Dahil dito, mahihirapang makalusot ang BBL sa dalawang kapulungan ng Kongreso na walang tapyas o retoke ng probisyon dahil sa ilan dito ay labag umano sa Saligang Batas.

Kung ang magiging kapalaran ng BBL ay mayroong retoke at pagbabago sa probisyon na hindi raw katanggap-tanggap sa MILF ay makabubuting tigilan na ang pagtalakay sa panukalang ito.

Ipaubaya na lamang sa binu­ong national peace council na bumalangkas muli ng bagong BBL na inaasahang walang kuwestiyon sa konstitusyon dahil may retiradong punong mahistrado ang kasapi nito bukod pa sa mga prominente ay may kredebilidad na negos­yante at opisyal ng simbahan.

Kung hindi umabot ang peace agreement sa ilalim ng Aquino administration ay ma­aaring ipagpatuloy ito ng susunod na administrasyon upang matiyak na pulido ang tinatahak na usapin para makamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao at susi sa pag-unlad ng buong bansa.

Sana naman, magmuni-muni sina Ferrer at Deles nga­yong Semana Santa kung ang kanilang ginawa ay tiyak na makakamit ang kapayapaan o baka naman nais lang ng mga ito na mabilis ang kasunduan at maselyuhan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

ACIRC

ANG

AQUINO

BANGSAMORO BASIC LAW

BUKOD

CORONEL-FERRER

DAHIL

KONGRESO

MIRIAM CORONEL-FERRER

SALIGANG BATAS

SEMANA SANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with