^

Punto Mo

EDITORYAL - Kahirapan na walang katapusan

Pang-masa

MAGANDA ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari raw umangat ng 6-7 percent ang kabuhayan. Nakikita na umano ang mga palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya ito. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit marami pa rin ang naghihirap at nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang trabaho? Bakit marami pa ring palaboy?

Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila satisfied sa ginagawa ng gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at lalo pa umanong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito ay hindi garantiya na magpapabago sa buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan. Hindi na nagnanais magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang bunganga.

Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap. Kahit na maraming beses nang nag-rollback ang petroleum products, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring mataas. Walang makitang pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan ang maraming Pinoy na isang kahig, isang tuka.

Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero kulang ang pagsisikap ng gobyerno. Ang agricultural sector na maraming pagkukunan ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na tulungan ang mga magsasaka na kumita mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto – halimbawa ang bigas at sibuyas.

Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang gobyeno kung paano lulutasin ang problema. Nababaluktot ang daang matuwid.

 

ANG

BAKIT

IPINAGMALAKI

KAHIT

MAAARI

MARAMI

MGA

NABABALUKTOT

NAKIKITA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with