Manong Wen (235)

KINABAHAN si Violy sa narinig na ingay sa labas. Sino kaya iyon? Su­milip siya sa bintana. Nawala ang kaba niya nang makita na si Noime pala. Dumating na mula sa trabaho nito sa Ayala. Salamat at may kasama na siya.

“Mabuti at dumating ka na, Noime!” sabi niya nang pumasok ang anak.

“Bakit ‘Ma? Parang tense na tense ka.’’

“Maupo ka muna, Noime­.”

Naupo si Noime sa sopa. Naupo rin si Mam Violy.

“Bakit ‘Ma? Anong nangyari?’’

Ikinuwento ni Mam Violy.

“Kaya pala namumutla ka, ’Ma. Ano kaya at mag­report tayo sa pulis.’’

“Ano naman ang irereport natin?’’

“Pinagbantaan ka ng lalaki.­’’

“Pero hindi ko naman nakita kung ito nga ang sumusunod sa akin. Baka naman nagkakamali lang ako.’’

“Pero ang lalaki lang naman­ ang nagbanta sa’yo di ba?’’

“Oo.’’

“E di sigurado nang siya ang sumusunod sa’yo. Ga­gantihan ka ng hayop na ‘yun.’’

Nag-isip si Mam Violy.

“Mabuti yata ay mag-hire ako ng sekyu ano.”

“Badigard?”

“Oo.”

“Ma mahirap din na may badigard. Siyempre dalawa tayong babae rito. Baka yung makuha natin e bantay-salakay.’’

Nag-isip si Mam Violy. Maya-maya ay nagpasya.

“Sige bukas na natin pag-isipan ang gagawin. Matu­tulog na ako, Noime.”

“Sige ‘Ma. Good night.’’

Problemado si Mam Violy.­ Maski nang nagpapalit na nang pantulog ay ang lalaki pa ring sumusunod ang naiisip niya. Parang nakatingin sa kanya ang lalaki habang nagpapalit siya. Parang natatakam sa kanya.

Hindi kaya pasukin silang mag-ina? Baka basagin ang salamin ng bintana at doon dumaan. Napapraning na yata siya!

Show comments