^

Punto Mo

‘Mark Soque: Serial molester, serial killer, holdaper’ (BITAG New Generation episode)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SERIAL ang tawag sa paulit-ulit na krimen na isinasagawa sa parehong paraan, pamamaraan at estilo. Karaniwan, isang indibidwal lang o grupo ang nasa likod nito. 

Bawat isagawa nilang krimen, mayroon silang iniiwang tatak. Tulad nitong napatay na si Mark Soque na serial molester, serial rapist at holdaper. Pero apat na araw bago siya natigok, eksklusibong nakapanayam muna siya, one-on-one ng BITAG. 

Hinggil ito doon sa kanyang mga hinalay at minolestiya. Lahat sila babae. Pilit pinapapasok sa mga comfort room, hinuhubaran at iginagapos.

Na habang umiiyak na nagmamakaawa ang mga pobreng biktima, lalo namang nasisiyahan at ginaganahan pa ang putok sa buho. 

Trabaho niyang takutin ang kanyang biktima sa pamamagitan ng iniiwang tatak. Sa pag-iisip ni Soque, bawat isa maituturing na tropeyo. 

Hindi habol ng putok sa buhong ito ang pera. Hindi siya holdaper. Dahil ang kanyang mga tinitira, maliliit na establisimento lamang. Tipikal na madali niyang malolooban at makukubkob. 

Ang mga iniwan niyang tatak o signature move na ito rin ang siyang naging dahilan kung papaano siya natunton ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU).

Pinag-aralan ang bawat iniwan niyang tatak, mga tinarget na establisimento at profile ng mga biniktima. 

Kung papaano nahulog sa BITAG ng PNP ang demonyo sa lupang si Soque, panoorin mamaya sa BITAG The New Generation, log on bitagtheoriginal.com. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BAWAT

DAHIL

HINGGIL

MARK SOQUE

NEW GENERATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SOQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with