^

Punto Mo

Kauna-unahang retirement home para sa matatandang pusa, binuksan sa England

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG Lincolnshire Trust of Cats na nasa England ay isang charity na nagpapatakbo  ng isang kakaibang tirahan para sa mga pusa. Kakaiba ang tirahan dahil sinasabing ito ang kauna-unahang retirement home para sa matatandang pusa sa mundo.

Sa kasalukuyan, nasa 80 mga matatandang pusa ang inaalagaan ng Lincolnshire Trust. Ibinibigay sa mga pusa ang lahat ng kanilang ka­ilangan upang maging komportable ang kanilang mga nalalabing araw.

Ayon sa mga nagpapalakad ng ‘retirement home’, binuksan nila ito dahil nakakaawa ang mga matatandang pusa na inaabandona ng kanilang mga amo. Bagamat maraming kumukupkop sa mga pusa ay  madalas hindi pinipili ng mga nag-aampon ang mga matatanda na kaya palaging ang mga may edad na pusa ang nanatiling abandonado at walang amo.

Kaya naman itinatag nila ang Lincolnshire Trust na maninigurado na magiging masaya at komportable ang buhay ng mga matatandang pusa. Malawak ang kanilang lugar at kumpleto sa mga gamit na katulad ng heater upang hindi lamigin ang mga pusa. Mamahaling pagkain din ang ibinibigay nila sa mga ito.

Bukod sa pagkupkop ay tumatanggap din sila ng mga matatandang pusa na hindi na kayang alagaan ng kanilang mga amo. Kailangan nga lang magbayad ng $1,300 (humigit-kumulang P45,000) para sila na ang mag-alaga sa pusa. Sagot na ng nasabing halaga ang lahat ng kakailanganin ng alagang pusa habang ito’y nabubuhay.

AYON

BAGAMAT

BUKOD

IBINIBIGAY

KAILANGAN

LINCOLNSHIRE TRUST

LINCOLNSHIRE TRUST OF CATS

PUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with