Pagdiriwang

Ako’y mula sa kawalan

pinalad na naging ako

Ako’y laki ng digmaa’t

nakaligtas sa delubyo

Kaya sunog yaring balat

kadugo ni Lapu-Lapu

Ako’y sugo ni Balagtas

kaya tumutula ngayon dito

 

Saang baya’t saang pook

sa loob ng Pilipinas

Patuloy na ginagawa

ang ganitong pagdiriwang?

Dito lamang kaya ako’y

walang takot na humarap

At sa wikang Filipino

ay humabi ng pangarap.

Show comments