^

Punto Mo

‘Makakating dila’

- Tony Calvento - Pang-masa

BALITANG sinasalin mula sa isang tao papunta sa iba bago matapos ang araw andami nang nadagdag at malaki na ang naiba sa istorya.

“Nagpunta lang ako sa kaibigan ko kung anu-ano na sinasabi niya. Nagkakalat daw ako ng tsismis na pu7@ siya,” ayon kay Eunice.

Mag-isang namumuhay dito sa Maynila si Eunice Palma Gil, 47 taong gulang. Taga Davao ang kanyang mga magulang. Nung bata pa siya may nakapagsabi sa kanyang kapitbahay na ampon lamang siya ng mga ito. Nang mamatay ang kanyang magulang tuluyan na siyang nag-isa sa buhay. Wala itong naiwang ari-arian sa kanya sapagkat nagrerenta lang din sila. Napagdesisyunan niyang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho.

“Pumasok ako bilang kasambahay. Maganda ang sahod ko. All around ang gawain. Nagtatrabaho sa abroad ang amo ko. Pag-uwi nila sa Pilipinas pati ako may pasalubong,” kwento ni Eunice.

Binigyan siya ng hikaw, lumang washing machine, chandelier, kumot at ilang mga damit. Nitong huli ay binigyan pa siya ng Ipad. Tatlo silang kasambahay doon ngunit siya lang ang nagtagal. Hindi niya lang daw matagalan ang ugali ng ampon nitong anak kaya’t nagpaalam siyang aalis na. Tinawagan niya ang kanyang amo at naintindihan naman siya ng mga ito.

“Nakitira ako sa kaibigan ko. Kinausap ako ni Susana Abiog na dun na ako tumira sa kanila. Magbabayad na lang ako ng limang daan kada buwan. Isang daan sa tubig, isang daan sa kuryente,” wika ni Eunice. Wala umanong dingding ang inuupahan niya at walang ilaw. Mabuti pa daw ang aso sa baba pinaiilawan. Nakikicharge lang siya ng cellphone. Siya daw ang naglilinis ng dumi ng aso at maging kay Susana ay naglalaba siya bilang pagtanaw ng utang na loob. Inuutus-utusan din siya ng kung anu-anong bagay. Sa pagkakaalam ni Eunice iba daw ang may-ari ng bahay na yun ngunit si Susana ang namamahala. Nung naospital ang asawa ni Susana tumulong din siya sa pagbabantay. Hindi siya nagreklamo dahil mura lang ang renta niya. Ika-7 ng Setyembre 2014 nagpunta sa kanyang kaibigan si Eunice. Bigla na lang daw nagtext si Susana. “P&7@n6 1#@ mo! Talagang takot ka pumunta. Hindi mo makukuha ang mga gamit mo. Yang nguso mong mahaba dudurugin ko yan!” text daw nito.

“Nagkakalat daw ako ng tsismis na pu7@a. Hindi naman totoo. Sinisiraan ko daw siya para hindi na siya makakuha ng pensiyon sa SSS,” pahayag ni Eunice. Oktubre 28, 2014 nagpasya na siyang magreklamo sa barangay dahil gusto niyang kunin ang kanyang mga naiwang gamit. Hindi daw siya makapasok bilang kasambahay dahil akala modus niya ito na biglang papasok sabay aalis lang. Nagpunta sila noong ika-10 ng Nobyembre 2014. May kasama siyang limang barangay tanod.

“Pu7@ng 1#@ kumakain ako! Huwag niyo akong guluhin,” sabi umano sa kanila ni Susana.

“Hinahanap lang namin ang gamit ni Eunice,” sagot ng isang tanod. Wala na daw gamit dun si Eunice dahil itinapon niya na. Bigla na lang umano nitong sinuntok si Eunice. Nabigla ang mga tanod at pati ang mga ito ay tinulak pa umano. Dumiretso si Eunice sa Malabon Police Station upang magsampa ng kaso ngunit hindi umano ito tinanggap dun. Sagot sa kanya usaping barangay ito at kailangang dun muna ito dinigin.

Kinapanayam namin si Susana sa radyo at nangako naman siyang ibabalik niya ang mga gamit ni Eunice. Pumunta lamang daw ito ng maaga doon at makukuha niya lahat. “Hindi ko naman pinakialaman ang gamit niya,” sabi ni Susana

Nobyembre 28, 2014 nagbalik sa bahay si Eunice. Nakipag-ugnayan siya sa barangay. Pagdating nila dun nakapadlock na ang bahay pati ang gate. “Ilang araw makalipas tinext niya ako huwag ko daw sabihin kahit kanino. Pumunta daw ako doon at ibibigay niya na lahat ng gamit ko. Pagdating dun tanggal na zipper ng bag ko, yung iba tinahi lang. Wala na din yung maaayos kong damit at gamit,” kwento ni Eunice.

Hindi daw alam si Susana sa kung saan napunta ang nawalang gamit. Baka daw ang mga borders niya daw ang kumuha. Nais ni Eunice na makuha ang kanyang mga gamit dito kay Susana.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Eunice.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoong hindi ibinalik nitong si Susana ang mga gamit ni Eunice at nang huling ipakita nito ang mga bag ay bukas na at sira ang zipper maaaring maghabla ng kaso sa kanya si Eunice. Nangupahan ito sa kanya at naging malapit sa isa’t-isa dahil hinihingian niya ito ng tulong. Kasong ‘Qualified Theft’ ang maaaring isampa rito. Kung titingnan mo nagsimula lang sa tsismis ang girian sa pagitan ng dalawa. Kung hindi sila nagpaapekto sa kumakalat na balita at mga matatabil ang dila hindi sana sila nagkaroon ng ganitong uri ng problema. Mabuti ring isulat ni Eunice sa isang papel ang mga gamit na nawala sa kanya at ang mga halaga nito. Mangalap na din siya ng mga ebidensiya na may pag-aari nga siya na ganoong mga kagamitan. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment

AKO

DAW

EUNICE

LANG

NIYA

SIYA

SUSANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with