^

Punto Mo

EDITORYAL – Hanapin ang nakatakas na terorista!

Pang-masa

KUNG totoong napatay nga ang Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alias “Marwan” sa pagsalakay ng PNP-SAF sa Mamasapano, Maguin­danao noong nakaraang linggo, masasabing hindi nasayang ang buhay ng 44 na pulis na walang awang pinatay ng BIFF at MILF. Pero hangga’t hindi nagpo­positibo ang DNA test na ginawa sa teroristang si Marwan, ang sakit na nararamdaman ng mga naulila ng 44 na bayani ay hindi mapapawi. Ayon sa report, dinala na sa US ang kaputol ng daliri ni Marwan, ganundin ang DNA sample na kinuha rito para i-match sa kapatid nito na nakakulong doon dahil sa gawaing terorismo.

At lubos na maiibsan ang kirot ng mga naulila kung mahuhuli ang isa pang terorista na kasama ni Marwan. Ayon sa report, nakatakas si Basit Usman, isang bomb expert, habang nagbabakbakan. Si Basit ay nagsanay pa sa Afghanistan para sa paggawa ng bomba. Noong Sabado, ipinag-utos ni President Aquino na hanapin si Usman. Inatasan niya ang PNP at AFP na magsagawa ng opensiba. Sabi niya sa Moro Islamic Liberation Front, umalis sa daraanan ng mga sundalo para mahuli ang terorista. Sabi ng Presidente, gagawin lahat ang paraan para mahuli si Usman. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang terorista.

Kawawa ang kinasapitan ng 44 na SAF member na pagkaraang mapatay ng snipers ay pinagbabaril pa nang malapitan at saka kinuha ang mga cell phone, baril, uniporme at combat boots.

Mapapawi lamang ang hapdi ng kalooban ng mga naulila kung mahuhuli o mapapatay din si Usman. Gawin sana ito sa lalong madaling panahon.

AYON

BASIT USMAN

MARWAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NOONG SABADO

PRESIDENT AQUINO

SABI

SI BASIT

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with