Saang baya’t saang pook sa loob ng bayan
Patuloy na ginagawa ang maraming pagdiriwang
Dito lamang kaya ako’y walang takot na humarap
At sa Wikang Pilipino ay humabi ng pangarap
Sa bayan kong sinilangan probinsya ng Quezon
Ay maraming kasayahang nagaganap doon;
Ang binata at dalaga’y naggagala sa maghapon
At sa gabi’y magkasamang nakadamit ng naaayon.
Mga kabataa’y walang tigil na magsaya
halos araw gabi sa okasyo’y nakikita;
Ang mga magulang kahit matanda na
ay kasaliw sa tugtugan at sayawang inihanda
Kaya tuwing summer at maganda ang panahon
sa bayan at nayon ang lahat ay naroon;
Sana’y palagi ng walang problema ngayon
at lahat ay nag-aaliw sa buong maghapon!