^

Punto Mo

Manong Wen (177)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAMA ang kutob ni Precious na may mangyayari sa pagpasok nila sa bahay. Kung ano ang inisip ni Precious, iyon ang nangyari sa kanila.

Unang dinakma si Precious nang matitigas na kamay. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanang kamay ni Precious.

“Ate! Ate!”

Pero bago pa nakasagot si Princess, siya man ay dinakma sa kanang kamay. Parang bakal ang mga kamay.

“Aaaay!”

Iyon ang tanging nasabi ni Princess.

Pagkaraan niyon ay mayroong itinakip na panyo sa kanilang bibig. Nalanghap  nila ang kakaibang amoy na nasa panyo. Matindi ang amoy na naging dahilan para mawalan sila ng malay.

Ilang saglit pa at nakalatag na ang kanilang katawan.

Dalawang lalaki ang gumawa niyon. Mabilis ang kilos ng mga lalaki. Tinalian sa kamay sina Princess at Precious. Sinigurong hindi makakawala ang dalawa.

Maya-maya nagsenyasan ang mga ito.

Hanggang binuhat ang walang malay na magkapatid. Tig-isa silang binuhat.

Lumabas ng bahay. Lumabas ng gate at dinala ang dalawa sa isang nakaparadang van sa di-kalayuan. Hindi halata na mayroong van dahil itim ang kulay. Paglapit nila sa van, bumukas ang pinto. May tao pa pala sa van. Isinakay ang dalawa.

May-maya pa, umandar ang van at umalis. Hanggang sa mawala sa kadiliman ng gabi ang van.

Subalit mayroong nakasaksi sa nangyari kina Princess at Precious --- ang traysikel drayber na sinakyan nila. Kaya pala tingin nang tingin ito sa magkapatid ay dahil nakita na nito ang picture ni Princess sa diyaryo noon. Iniisip nito kung saan nakita si Princess. Hindi naman pala ito ganap na umalis at nanatili sa di-kalayuan. Hanggang makita ang nangyari sa magkapatid na walang malay at dinala ng dalawang lalaki sa van. Nakuha niya ang plate number ng van. Inilista niya.

Nasa akto siyang nagsusulat nang isang traysikel ang dumating. Bumaba ang sakay. Si Jo.

Nang malaman ng traysikel drayber na nakasaksi sa kidnapan na patungo si Jo sa bahay, agad nitong sinabi ang nangyari.

“Kilala n’yo po ba ang mga nakatira diyan, Sir?”

“Oo. Bakit?”

“Kinidnap po ang dalawang babae at isinakay sa van. Ito po ang plate number!” (Itutuloy)

AAAAY

BAKIT

BUMABA

DALAWANG

HANGGANG

ILANG

LUMABAS

SI JO

VAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with